Ilang segundo pa kaming parehong natulala ni Keon kay Ashley bago kami napabalik sa wisyo. Inalog-alog ko ang ulo ko sa pamamagitan nang pag-iling-iling. Sasagot na sana ako nang hindi ko na 'yon natuloy pa dahil sa biglang pagdating ni Hans na bumasag sa nakakailang na atmosphere kanina. “Oh? Hi, Isa!” bati ni Hans at masigla pang kumaway sa akin na kaagad ko namang nginitian at nag-wave pabalik. Pati si Keon ay binati niya rin ngunit halata sa mukha nito ang pagtataka kung sino si Keon sa buhay ko. “Hans, bro.” Sa hindi inaasahang pagkakataon, inabot ni Hans ang kamay niya kay Keon. “Keon. Nice to meet you, bro,” nakangiting sabi ni Keon at nakipag-shake hands pa kay Hans. Hindi rin nagtagal ang shake hands nila dahil kaagad nilang binitawan ang isa't-isa. “Bakit kayo rito nag-

