Chapter 6 "Bakit nagpalit ka ng suot? Umuwi ba kayo?" tanong ko para mapagtakpan ang pagkakahuli niya sa pagtitig ko sa kanya. Bahagya niyang ipinilig ang ulo habang sinisimulan niyang imaniobra ang kanyang marangyang sasakyan. "The pet store dog peed on me from head to toe. Nasa taas siya ng estante, kaya hindi ko napansin." Hindi ko napigilan ang sarili kong humalaklak, pati si Josue ay nakigaya rin sa paraan ng pagtawa ko. "Hindi nga?" Natatawa at hindi makapaniwala kong tanong. "I'm speaking the truth. Fortunately, the owner had some extra new clothes that he gave me." Kinagat ko ang pang-itaas kong labi at tumingin sa labas ng bintana para pigilan ang sarili ko sa muling pagtawa. Baka kasi mainis na siya sa 'kin. "Don't hold back your laughter. Mauutot ka, babaho rito," sabi niy

