Chapter 13 Martes na nang magkuwento ako sa mga kaibigan ko. Hindi kasi nila ako tinitigilan hanggat, hindi ako nagsasabi. "Maling mindset 'yan, Jen. Pinaghihinalaan mo gayong nagpaalam naman pala sa 'yo," untag ni Vina habang sumisimsim kami ng popsicle sa kalagitnaan ng gabi. Walang client, kaya petiks muna kami rito sa locker room. "Hindi ko pinaghihinalaan, nagtataka lang ako kung bakit kailangan niyang magsinungaling. Narinig mo naman, 'di ba? Naikuwento ni Madam Ngan na sasamahan niya si Faith sa Brunswick." Humugot ako ng buntong-hininga. Naiinis din ako sa sarili ko dahil kung anu-ano na ang pumapasok sa utak ko, which is hindi dapat. Maling pag-isipan ko siya ng masama dahil pakiramdam ko totoo naman ang intensiyon niya. Totoo lahat ng ipinakita niya sa akin. Kasi, sinong ta

