Chapter 8

1885 Words
008 Y A K I R A Inaya ko si Sander na mag EK kami since off naman daw niya ngayon. Ito din ang first official date namin as a couple kaya sobrang excited ko mula pa kahapon. Ilang beses pa lang kasi ako nakakapunta dito sa EK. Nung huling punta ko pa dito kasama ko pa si Zachary pero mula nang mawala siya hindi na din ako nakabalik pang muli sa lugar na ito. Sobrang lubog na lubog kasi talaga ako sa lungkot nung mawala si Zach kaya hindi ko na din naisip na mag punta pa ulit dito para mag saya. Pinag bawalan ko ang sarili kong maging masaya nung mga panahong hindi ko pa natatanggap na wala na talaga siya. Pero naisip ko din.. Hindi magugustuhan ni Zachary kung mag papakalunod ako sa lungkot. For sure hindi yun matatahimik hanggat nakikita niya akong malungkot at miserable. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya kapag dumating na yung araw na magkita na ulit kami. Siguro naman maiintindihan niya kami ni Sander. Mahal ko siya at hinding hindi mawawala ang pag mamahal na yun kahit na wala na siya. Pero si Sander... Siya ang bumubuong muli sa akin. Siya ang dahilan kung bakit ko kinayang labanan yung lungkot. Hindi niya ako iniwan mag isa. Sinamahan niya ako sa lahat ng problema at lungkot. Kahit kailan hindi siya nawala sa tabi ko kaya siguro naman hindi masamang suklian ko ang mga nagawa na niya sa akin. Hindi naman siguro maling, mahalin ko din siya tulad ng pag mamahal na binibigay niya sa akin. Nahinto ako sa pag iisip nang hawakan ni Sander ang kamay ko. Nag angat ako ng tingin sa kanya. "Okay ka lang?" Tanong niya. Ngumiti ako at tumango. "Let's go?" "Let's go!" Hinila ko siya papasok ng EK at excited na nilabas ang phone para makapag picture kami kaagad. Marami na kaming picture ni Sander sa phone niya pero hindi pa kami nung mga panahong iyon. "Smiiiile!" Sabi ko. Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa pisnge pagkapindot ko sa capture button. Binalingan ko siya at tinaasan ng kilay. "What's wrong?" Tanong niya ng natatawa. "Bakit kasi sa cheek lang!" Pag rereklamo ko na mas lalong ikinalakas ng tawa niya. Kinuha niya ang phone ko mula sa akin at siya na ang nag hawak. Pinaharap niya ako sa kanya at mabilis na hinalikan ako sa labi kasabay ng pag pindot ng capture sa phone ko. Agad ko siyang pinalo sa dibdib. "Ikaw! Nag bibiro lang ako tinotoo mo naman!" Sabi ko sabay kuha sa kanya ng phone ko. Tinignan ko yung mga pictures namin sa gallery at hindi ko napigilang mapangiti. "Ang sweet naman natin dito." Sabi ko habang tinitignan pa din ang mga pictures namin. "I love you." Aniya. Bumaling ako sa kanya at pinisil ang ilong niya. "I love you din po." Sabi ko na dahilan upang mamula ang pisnge niya. Agad siyang nag iwas ng tingin sa akin. Napairap na lang ako. Ang landi talaga ng lalaking 'to. Kinilig na kaagad siya dun? "Tara dun!" Hinila niya ako papunta sa isang horror booth. Agad kong binawi ang kamay ko sa kanya. "Hindi ako papasok dyan! Ayoko!" "Babe naman. Tara na." "Tumigil ka Sebastian ah! Pag sinabi kong ayoko. Ayoko!" "Babe naman. Nandito naman ako eh." Hinila niya ako at hinarap sa kanya habang nakapulupot ang braso niya sa bewang ko. "Subukan lang natin. Please?" "Ikaw Sander ah! Pag ako inatake sa puso dahil sayo naku! Lagot ka talaga sa aking lalaki ka." "Opo na po. So.. Let's go?" "Okay." Nag aalangan kong sagot bago niya ako hatakin papunta sa entrance ng horror booth. Pinapasok na kami sa loob. Kaagad na nakaramdam ako ng kaba dahil madilim sa loob at hindi talaga ako nakakaaninag sa dilim. Humawak ako ng mabuti kay Sander. Hindi talaga magandang idea ang pumunta kami dito eh. Bakit ba kasi ako nakinig dito kay Sander. Mamaya hindi na kami makalabas ng buhay sa lugar na ito eh. Oo na. Ako na ang OA eh bakit ba? Kayo kaya dito! "I think mas mabuting mag back out na tayo Sander." Sabi ko habang nakakapit sa kanya ng mahigpit. "Babe naman. Nandito na tayo eh. Yumakap ka na lang sa akin kung gusto mo." "Ikaw! Sabi ko na nga ba chinachansingan mo lang ako eh." Nag patuloy kami sa pag lalakad ni Sander kahit na nangangatog na ang tuhod ko sa takot. Napatili ako ng malakas nang may babaeng lumitaw sa harap namin na punong puno ng dugo. "Wahhhh ayoko na! Nanay!!!" Sigaw ko. Narinig kong tumawa si Sander sa tabi ko kaya agad ko siyang kinurot sa bewang. "Tinatawa mo dyan? May nakakatawa ba ha? Anong nakakatawa dyan ha?" Inis na sabi ko. Tumahimik na lang siya at inakay na ako ulit. Nang nasa medyo kalagitnaan na yata kami ay naramdaman kong may humawak sa binti ko na malamig na kamay kaya hindi ko na nakayanan at napatili ako ng malakas. Mabilis na nag tatakbo ako at hindi ko na naisip na may kasama pala ako. Sa sobrang takot ko ay hindi ko na alam kung nasang parte na ba ako ng horror booth. Parang gusto kong magsisi na tumakbo pa ako. Tuloy hindi ko na alam kung nasan si Sander at hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin. Ang dilim dilim naman kasi dito. Ano nang gagawin ko. Hindi ko alam kung saan akong direksiyon tutungo dahil seriously wala talaga akong makita sa dinadaanan ko. "Sander? S-Sander nasan ka?" Tawag ko kay Sander nag babakasakaling marinig niya ako. "Wahhhh!" Nagulat ako nang biglang may manggulat sa akin agad akong napayakap sa unang taong nakapa ko. "Ahhh! Nooo! Please stop! Ahhh!" Tili ko habang nakayakap sa hindi ko kilalang tao. Wala na akong pake kung nakakahiya ang ginawa ko o kung sino man itong taong ito basta sobrang takot na takot talaga ako. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba. Napaka OA ko nga siguro pero napaka magugulatin kong tao talaga. Nuon naman hindi ako ganito kaduwag. Actually sobrang tapang ko nga nuon pero ngayon hindi ko alam kung bakit napaka duwag ko na. Humigpit ang yakap ko sa lalaki nang maramdaman kong may humawak nanaman sa binti kong isang malamig na kamay. Ilang sandali akong nakayakap sa kung sino man ito hanggang sa unti unting humupa ang takot sa dibdib ko at maisip ang ginawa kong kagagahan. Hihiwalay na sana ako sa pagkakayakap sa kanya nang maramdaman kong pumulupot din ang braso nito sa akin. Muling bumilis ang t***k ng dibdib ko ngunit hindi na yun ng dahil sa natatakot ako. Hindi ko alam. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bakit ganito? Bakit napaka pamilyar sa akin ng katawang 'to? Bakit sobrang pamilyar sa akin ng yakap na 'to? Bakit parang matagal ko ng kilala ang taong kayakap ko ngayon? At bakit parang gusto kong maiyak habang nasa mga bisig niya ako. Sino siya? Sino ka? May namumuong ideya sa isip ko ngunit ayoko nanamang umasa. Natatakot na akong umasa muli pero bakit ganun? Bakit siya ang naiisip ko habang kayakap ko ang taong ito? Bakit pakiramdam ko si Zachary ang yakap yakap ko ngayon. Humigpit ang yakap ko sa lalaki. Alam kong hindi ko kilala ang taong ito pero hindi ko mapigilan ang sarili kong yakapin siya.. Hindi ko magawang pigilan ang sarili kong isipin na siya si Zach. Sana nga siya si Zach. Kumawala ang ilang hikbi mula sa bibig ko. Agad siyang humiwalay sa pagkakayakap sa akin na para bang napag tanto ang kanyang ginawa. Gusto ko sana siyang tanongin pero nang mag sasalita na sana ako ay may biglang tumawag sa kanya. "SAMUEL!" Rinig ko ang boses ng isang babaeng papalapit sa aming pwesto. Parang bigla akong nagising sa katotohanan. Samuel? S-Samuel ang pangalan niya? Parang gusto kong manlumo. Sabi ko na eh. Sabi ko na nga ba eh! Ano bang iniisip ko bakit ko inakalang si Zachary ang lalaking 'to. Bakit ko naisip na siya si Zach? Hindi ba tanggap ko naman na, na wala na si Zach at hindi na siya babalik pa sa akin? Pero bakit umasa nanaman ako? Umasa nanaman ako kaya ito sobrang nasasaktan nanaman tuloy ako. Mabilis na tumalikod ako habang tuloy pa din sa pag tulo ang mga luha mula sa mga mata ko. Tumakbo lang ako ng tumakbo kahit na wala akong makitang kahit ano hanggang sa hindi ko na namalayang nakalabas na pala ako ng booth. Agad akong sinalubong ni Sande. "There you are! O di ba? Kinaya mo naman eh. I'm so proud of y--" Natigilan si Sander sa pag sasalita nang makitang may tumutulong luha mula sa mga mata ko. "Babe? Ayos ka lang ba?" Tumango lang ako. Hindi ko magawang sumagot. Hindi ko siya magawang tignan. Pakiramdam ko nagkaruon nanaman ako ng kasalanan sa kanya. Naisip ko nanaman kasi si Zach. Naisip ko nanaman siya. Ang tanga tanga mo na Yakira. Tama na please. "Umuwi na tayo Sander." Sabi ko at hinila siya palabas ng EK hanggang sa sasakyan ay tinatanong niya pa din ako kung bakit ako umiiyak. Ang akala niya ay natakot lang talaga ako kaya ako umiyak kaya panay ang sorry niya sa akin. Kung tutuusin ako pa nga dapat ang humingi ng tawad sa kanya dahil naisip ko nanaman si Zach. Iniyakan ko nanaman siya. Pakiramdam ko hindi ako loyal na girlfriend kay Sander. At sobrang naiinis ako sa sarili ko dahil dun. "Babe I'm so sorry talaga. Hindi ko naman alam na sobra pala ang takot mo sa mga ganun." Sabi niya pag tapat ng sasakyan niya sa bahay namin. "It's okay." Maikling sabi ko lang at lumabas na ng sasakyan niya. Sinundan ako ni Sander papasok sa bahay. Naabutan namin si nanay na nanunuod sa sala. Binati siya ni Sander bago sumunod sa akin sa kwarto ko. Pag dating sa kwarto ay muli niya ulit akong tinanong kung bakit bigla na lang nag bago ang mood ko. Ang sabi ko sumama lang bigla yung pakiramdam ko pero ayaw niyang maniwala kaya nag stay na lang siya sa tabi ko hanggang sa tuluyan na din naman akong nakatulog. Pag gising ko ay siyempre wala na si Sander sa kwarto ko. Hindi naman kasi siya pwedeng matulog dito sa kwarto ko. Pwede naman siyang makitulog sa amin pero hindi nga lang pwede sa kwarto ko mismo. Ang akala nga nila nanay sa guestroom ako natutulog pag nasa unit kami ni Sander ang hindi nila alam ay madalas na kaming mag tabi ngayon. Wala pa namang nangyayari sa amin ni Sander dahil nirerespeto naman daw niya ako at ayaw daw niya akong pilitin sa isang bagay na maari kong pag sisihan balang araw. Muling nag balik sa isip ko ang nangyari kagabi sa EK. Bakit ganun? Bakit ramdam na ramdam kong si Zach yung kayakap ko ng mga oras na yun? Kilala ko yung yakap na yun eh. Kilala ko yung katawan na yun at pati na din yung amoy na yun. Imposibleng mag kamali ako. Bakit ganun? Bakit ko naaalala si Zachary sa lalaking yun. Sa Samuel na yun kung sino man siya. Bakit parang pinag lalaruan ako ng tadhana? Kung kailan naman unti unti ko ng natututunang sumaya ulit kasama si Sander ay tyka ko naman ulit maalala si Zachary. Bakit sobrang unfair naman na yata? Ano bang kasalanan ko sa mundo at pinaparusahan ako ng ganito? Ano bang nagawa kong mali? Bakit sa akin pa nangyari ito! Bakit ako pa?! Sana iba na lang. Sana hindi na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD