021 Y A K I R A Pagkatapos naming kumain ay naisipan na naming bumalik sa mga kwarto namin. Inihatid niya pa ako sa kwarto ko bago siya pumasok sa sarili niyang kwarto. Naligo na muna ako bago nag palit ng pantulog nang biglang may kumatok sa kwarto ko. Nang buksan ko ang pinto ay si Zach lang pala. "Ano yun?" Tanong ko. "Ayos ka lang ba dito? Kapag may kailangan ka nasa kabilang kwarto lang ako. Wag kang mahiyang mag sabi." Aniya. Napangiti ako at tumango na lamang bilang tugon. Nag paalam na siya ulit bago ko sinara ang ang pinto ng kwartong tinutuluyan ko. Napahawak ako sa dibdib ko. Kumakabog ito ng mabilis. Bakit ka ganyan Zach? Kung kailan naman dapat kinakalimutan na kita tyka ka naman nagiging ganito. Napa buntong hininga ako ngunit hindi ko pa din magawang pakalmahin ang ma

