CHAPTER 11

1417 Words
Two days had passed since she had talked to her dad. Ngayon na rin ang last day na pag polish sa buong Servente Empire Motors Building. They finished the project 1 week before the deadline sa contract, and she was very proud of herself and of course to her team since they made it till the finish line. She was fixing her things when Mara approached heer. Isa siya sa team member ko I've been working with her for two months already. Empleyado na talaga siya ng Monterey Architecture Firm. She was glad, she and the whole team warmly welcomed me when I was introduced as their new team leader. Akala nito ay hindi matutuwa ang mga ito dahil mas sanay sila kay Kean Lucas. I aws also informed na walang team leader talaga ang Interior design department dahil gusto ni Kean ay siya lang ang hahawak dito dahil medyo metikuloso ito pag dating dito. "Ma'am Letisha, uuwi na po ba kayo?" Nilingon niya ito at tipid na nginitian, " Yeah. I need to re-scan all the papers baka may nakaligtaan tayo. Just to make sure everything is settled." Ngumuso ito sabay pulupot ng braso niya sa sakniya, she was never been this close to someone. Since she has no friends, this may be the first time someone has dared to get this close to her "Ma'am, tama na muna 'yang trabaho. Sama ka na lang sa amin ng team. Minsan lang naman po saka taos na 'yun project." Awkward itong ngumiti. Hindi talaga niya alam kung paano makisalamuha sa iba. Hindi rin naman siya pala kaibigan kahit dati. "Kayo na lang, Mara. Saka mas gusto kong mag pahinga." Tila naman nag iba ang ekspresyon nito. Para na itong nagtatampo sakaniya. "Sige na, Ma'am. Minsan lang naman po. Saka bihira ka namin maka-usap ng ganito para maging komportable rin ang iba nating katrabaho." Nakanguso pa rin ito. Pasimple niyang tinignan and ilang katrabaho nila na nasa bandang likuran lang nila. May ilan pa siyang nahuling nakatingin sa gawi nila, at nang mag tama ang tingin sakaniya ay bigla na lang nag si iwas. Maybe Mara was right. She needed a little bond with her subordinates after all. Ramdam din naman niya kasi ang pagkailang ng mga ito sakaniya. Maybe because on how she acts and talks to them. "Saan ba tayo pupunta?" Tila naman nagliwanag ang mukha nito sa tanong niya. Bahagya rin humigpit ang kapit nito sa braso niya parang bata na na-excite. "Sa bar, Ma'am. Promise malapit lang po iyon dito." Tila naman nagulat siya sa itinuran nito. She doesn't go to bars. Hindi niya ata kaya sumakay sa trip ng mga ito. "I-I don't do bars, Mara." Bahagya siyang niyugyog nito sabay sabi, "Ma'am sige na. Minsan lang naman po. Subukan niyo lang." Tansya niya ay hindi talaga siya titigilan nito kaya napabuntong hininga na lang siya, "Sige. Pero saglit lang ako ha?" Lumawak naman ang ngiti nito sabay taas ng kamay at thumbs up sa mga kasama. Nairnig niya ang mahinang "yes" ng mga ito at ang ilan ay napahiyaw naman ng "wooh". ---- Alas siete ang kanlang usapan. Kaya umuwi lang siya ng saglit upang mag bihis. Pinasadahan niya ang kaniyang sarili. She was wearing a black silk lace dress. Hanggang hita lamang ang haba nito at backless din ito, its straps were also in spaghetti style strap. This is the only dress she have in her closet that she thinks will fit the place. She was also wearing black stiletto heels with diamonds on them. She made sure that she only wore a simple make-up. She still wanted to keep her image simple after all. Sinilip niya ang orasan na nasa dingding ng kaniyang kwarto. It was past quarter to six. Kinuha niya ang sling bag niya at dumiretso na sa garahe kung saan naka-park ang kaniyang kotse. She noticed that Kean's car is not there. Kanina kasi ng umuwi siya ay andoon pa ito ngunit ngayon ay wala na. She jus shrugged her shoulders. Ilang minuto lang ang tinagal ng byahe niya paroon sa bar na tinext sakaniya ni Mara. Pag baba palang niya ng sasakyan ay sumalubong na agad ang malamig na simoy ng hangin. Dahil may sa kanipisan ang kaniyang suot ay halos manuot ang lamig sakniyang balat. Naglakad siya patungo sa entrance, hinarangan naman siya ng bouncer noon. Pinakita lamang niya ang ID niya like what Mara told her. Bahagya pang nanlaki ng mata nito at yumuko ng makilala ang babae. Agad din siya nitong pinapasok sa loob. Sumalubong sakaniya ang maingay at amoy usok na kapaligiran. Madilim din sa loob at kakarampot na patay bukas na ilaw lamang ang naroon. Iginala niya ang paningin sa loob, marami nang nag sasayaw sa dance floor. Kaliwa't kanan din ang mga nadaan na waiter na may dalang tray ng alak.Kukuhanin na sana niya ang phone niya upang tawagan si Mara ngunit naunahan na siyang makita nito. "Ma'am! Dito po!" Kumaway kawa ito mula sa kinauupuan nito. Dito na niya napansin ang ilang mga katrabaho nila. Katulad niya a medyo maiksi rin ang suot ng mga ito pero mas revealing nga lang. Kahit si Mara ay ganoon din. Ang ilang lalaki lang ang na natiling naka formal suit. Siguro ay matapos ang trabaho ay dito na dumeretso. "Ma'am, buti na lang po talaga sumama kayo. Ang ganda ganda niyo po." sabi ni Kira ang isa sa mga kasamaan nila. Nag si sang-ayon din ang ibang babae. "Thank you." Tipid lamang siyang ngumiti. Maya-maya ay lumapit sakaniya si Mara, "Ma'am, sobrang saya namin na kasama ka po namin ngayon. Alam niyo po ba akala talaga namin sobrang sungit niyo? Mailap ka po kasi eh." Sinitsitan naman ito ng katrabaho nilang lalaki na si Jordan, " Mara bibig mo nakakahiya kay, Ma'am." Hindi niya napigilang ngumiti sa maliit na pagtatalo ng dalawa, "Pag pasensyahan niyo na si Mara, Ma'am. Ganiyan po talaga bunganga niyan eh." Kita niya kung paano pinandilatan ng babae ang lalaki. Tuluyan na nga siya napatawa ng mahina. "It's okay." Nagpatuloy ang gabi, maraming kwento si Mara sakaniya na ang iba ay sinisingitan ni Jordan. Si Kira at ang iba pa ay nasa dance floor na at nag sasayaw. "Ma'am, ayaw niyo sumayaw?" Pukaw na atensyon sakaniya ni Jordan. Kanina pa niya napapansin na madalas ito nakatitig sakaniya pero ipinang sa walng bahala na lang niya dahil baka gusto lang talaga nito makipag-close. " I am fine here. Thank you."Tumango-tango ito at nagpaalam na may kukuhanin lang saglit. Nilingon niya si Mara, ngayon ay abala na ito sa pagtitipa sakaniyang phone habang nakakunot ang noo. Hindi rin naman nagtagal ang ginagawa nito at itinabi niya iyon. Muli siya nitong hinarap at ang kaninang nakakunot na noo ay napalitan ng nakangiting mukha na. "Ma'am, first time niyo lang po ba talaga mag bar?" kuryosong tanong nito. She the nodded, "Nyek? Hindi pala lahat ng mayaman mahilig sa ganito. Pero alam niyo po Sir Kean madalas po rito eh." Nag-iisip pa lamang siya ng isasagot dito ng may itinuro na ito sakaniyang likuran. Her jaw almost drop ng makilala niya kung sino ito. "Ayan pala sila, Ma'am! OMG! Kasama niya sila Sir Gustav and Sir Clarence. Ang bango at pogi talaga nila tignan!" Nakita niyang lumingon sakanilang gawi ang lalaki kaya agad siyang nag-iwas. Binalingan ulit siya ni Mara. "Ma'am, hindi po ba tayo mag-join sakanila?' Tinignan niya ang babae. "You can join them, I am fine here." Ngumuso ito at parang nadismaya, "Sige po. Samahan ko na lang po kayo." Bahagya itong dumukwang para umabot ng pagkain mula sa lamesa. Nagmasid masid na lamang ito sa mga nagsa-sayaw. Maya-maya pa ay bumalik na ulit si Jordan. May mga dalang drinks na ito. Inabutan nito si Mara na agad din niyon tinanggap, "Thank you, Jordan!" Sunod ay siya naman ang inabutan nito. Bahagya niyang ikunuway ang kamay upang tumanggi, "I don't drink." Kumunot ang nuo nito at mas lalong inilapit sakaniya ang inumin, "Ma'am, nasa bar tayo try mo lang. Hindi ka naman malalasing diyan eh." Ilang segundo niyang tinitigan iyon, muli itong nag salita. "Sige na. Inumin mo na, hindi na kita bibigyan kung hindi mo magustuuhan sayang nama punta mo rito kung ni mag-enjoy ayaw mo. Edi kahit inom na lang." Napabuntong hiningi siya, and she was about to reach the cup when someone snatched it from Jordan. Halos tumigil ang kaniyang paghinga nang mapagtanto kung sino iyon. He's looking at her with anger, and she doesn't know why.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD