Mainit na sinag ng raw na nagmumula sa labas ang gumising sakaniya. Unti-unti ay iminulat niya ang kaniyang mata upang tumambad sakaniya ang likod ng isang lalaki. Bigla siyang napabalikwas ng bangon at dito niya napagtanto na hindi lamang panaginip ang nangyari kagabi. Ang akala niya ay katulad ito ng panaginip niya nuon nung nasa ibang bansa siya, pero hindi.
At isa pa, hindi ito 'yung lalaking 'yon. Ito ay ang kaniyang asawa na siyang pinakasalan niya nang makauwi siya rito sa Pinas. Hindi niya alam kung anong nararamdaman niya ngayon. Gusto niyang sampalin ang sarili dahil hinayaan niya mangyari ang hindi dapat. Bukod pa roon ay ano ba ang mukhang ihaharap niya rito? Baka isipin nito na isa lamang siyang madaling makuhang babae.
Marami ang tumatakbo sa isipin niya. Isa na rito ay ang kahihiyan at pagka-suklam sa sarili at sa lalaki.
Ano rin ba kasi ang pumasok sa isipin nito at biglaan siyang sinunggaban nito ng halik kagabi?
Ilang minuto rin siyang naka-tingin sa nawalan bago nag pasyang bumangon na. Mas minabuti niyang siya na ang umiwas at hindi na rin niya para abalahin ang mahimbing na tulog ng lalaki.
Nang tumayo siya ay dito na lamang niya naramdaman kung gaano kasakit ang pagitan ng hita niya, maging ang mga kasu-kasuan niya. Iika-ika itong tumayo at tumungo sa banyo. Sa harapan ng salamin ay mas nakita niya ang kaniyang pantaas na kabuuan. May mga naiwan ng bakas ng kagabi sa mga dibdib niya na agad namang ikinapula ng kaniyang mukha.
Hindi na talaga masasabing panaginip lang iyon, at muli sa pangalawang pagkakataon na nangyari iyon ay pagtakas na naman ang nasa isip niya. Kaso ang pumipigil sakaniya ay ang kaalamang kasal siya sa lalaki at imposible ang gusto niyang mangyari. Talagang dasal na lamang ang maaari niyang gawin, ipag dasal na maging abala na ito hanggang sa parehas na mabura sa kanilang isipan ang nangyari kagabi.
“Oh, Iha? Ang aga mo naman magising, ” tila nagulat pa ang ginang na mabungaran ito sa pinto ng kusina. Nagluluto na ang ina ni Kean ng almusal. Nasa hapag na rin ang asawa nito na may binabasang dyaryo habang nagka-kape. Ni lapitan siya agad nito at bahagyang niyakap.
“Namamahay po ata ako, ” Palusot niya. Malamang, hindi naman niya p-pwede sabihin na kaya siya maagang bumangon ay iniiwasan niya ang anak nito. Baka nga tawanan lamang siya nito, hindi ba? Dahil ika nga nila "normal" lang sa mag-asawa iyon. Paano nga ba niya lulusutan iyon?
“Pero nakatulog ka naman ba kahit pa-paano? ” Nag patuloy ang Ginang sa paghahalo sa nakasalang na sinangag.
Mahimbing naman talaga ang tulog niya dahil sa pagod ng kagabi. Talagang na-alimpungatan at nagising lamang siya dahil sa mga naging reyalisasyon niya sa sitwasyon niya kanina. Gustuhin man niyang bumalik ulit sa pag-tulog ay hindi na niya magawa rin.
“Op—” Naputol ang sasabihin niya dahil may padaskol na pumasok sa loob ng kinaroroonan nila.
“Mom! Have you seen Letisha?! ” Mataas ang tono ng boses nito, may bahid din iyon ng inis at pag-aalala. Nilingon niya ang nag salute at halos mahirapan siya lunukin ang sariling laway nang makita ang ka-itsurahan nito.
Magulo pa ang buhok nito. Gusot ang pang itaas na t-shirt, naka boxer lang din ito at halatang pagka-bangon nito ay pandalas itong bumaba upang hanapin siya. May kung ano sa kalooban niya na gusto mag diwang pero mas pinili niyang iwaksik sakaniyang isipan nito. Maaaring ganito ang reaksyon nito dahil nga sa milagrong ginawa nila kagabi . Pero sariwa pa sa isip niya kung gaano nito kaayaw sakaniya; na pinakasalan lamang siya nito dahil sa kagustuhan ng magulang niya at alang-alang sa kondisyon na binigay ng magulang nito sakaniya.
Bahagyang tumikhim ang ama nito sabay hagikhik ng ina nito.
“Hindi ka manlang nag-ayos muna, Kean. Masyado mo naman ata na-miss ang asawa mo? Saka saan back pupunta si Letisha, Hindi ka naman tatakasan niyan. ”
May bahid nang pantutudyo sa inusal ng ina nito. Nahagod nito ang kaniyang buhok gamit ang daliri, umiwas ito ng tingin sakaniya na mapagtantong para nga siyang nawawalang bata sa inasta niya. Hinila nito ang katabing upuan ng ama at umupo na lamang.
“Hinanap ko lang dahil may agenda kaming dalawa ngayon, pagkatapos namin kayo samahan. ”
Pakiramdam niya ay lalabas sakaniyang dibdib ang kaniyang puso sa lakas ng t***k nito. Hindi niya alam kung palusot lamang ito ng lalaki o gusto talaga siya nito makausap.
“Is that so? Huwag na lang kayo sumama kung ganoon. Gusto lang talaga namin kayo makasama ng Daddy mo to go shopping and have a tour sa buong company for Letisha’s sake also. Pero I like the idea more of you two having more time together. Para naman magka apo na ako. ”
Humagikhik na naman ito samantalang siya ay pakiramdam niya lulubog siya sa kinatatayuan. Upang ibahin ang usapan ay nag salita na ito.
“Tulungan ko na po kayo sa pagluluto para makapag-ayos na rin po kayo sa pag-alis. ”
Itinuro nito ang mga tinapay na it-toast. Nag-init din siya ng tubig para sa kape na ititimpla. Dito niya mapagtantong na simple ang pamumuhay ng pamilyang Monterey. Hindi sila ganoon ka-palaasa sa mga kasambahay nila. Kaya napa-isip siya paano naging spoiled ang lalaking iyon? Napakalayo sa ugali ng mga magulang niya.
Nang maihain ang lahat sa hapag ay nag simula na silang kumain. Ramdam niya ang panininig ng lalaki sakaniya. Gusto na nga niya tusukin ang mga mata nito gamit ang tinidor na hawak dahil naiilang siya rito, pinili na niya hindi tumabi ng upo roon pero nakahanap pa din talaga ito ng paraan para ilangin siya.
“Mom, I'll take your advice na hindi muna kami sasama ni Letisha sainyo. Maybe next time? We badly need to go back to our house. ”
Sinilip niya ang reaksyon ng nanay nito, lihim na hinihiling na sana ay hindi ito pumayag. Mas gugustihin niyang samahan ito mag shopping at mag ikot-ikot sa kumpanya kaysa maiwan silang dalawa na naman ni Kean.
Kaso bumagsak ang balikat niya nang mag-salita itong multi, “ No worries, Anak. Pero kailangan niyo back talagang umuwi? Ayaw niyo ba na dito muna kayo? ”
“May mga kailangan pa po kami ayusin sa bahay, T- uhm Mom.”
Siya na ang sumagot, dahil hindi na rin niya talaga kakayanin na tumigil pa sa iisang kwarto kasama ang anak nito. Dahil alam niya na mau-ulit at mau-ulit ang nangyari sakanilang dalawa. Ito nga ang pinaka-iniiwasan niya pero sa huli nahulog pa rin siya sa patibong niyon.
Natapos ang agahan, sila na lamang dalawa ang natira. Umalis na ang magulang nito dahil marami pa raw gustong puntahan ang Giving maliban sa malapit na shopping mall sa lugar. Bihira lang daw kasi ito mag-gala.
Dumiretso siya sa taas matapos mawala sakaniyang paningin ang sasakyang kalalabas lamang ng tarangka ng mga Monterey. Malaking luwag sakaniyang pag-hinga na hindi madatnan sa loob ang lalaki. Kinuha niya ang kaniyang maleta.
Mas maigi na mauna na rin siya umalis, pihadong magiging awkward lang din ang byahe kung sasabay ulit siya rito pabalik. Balance niya na mag Uber na lang. Iilang gamit pa lamang ang nailalagay niya sa loob ay bumukas na ang pinto, hindi siya lumingon at pinigilan ang sarili na silipin ang pumasok. Kilala naman na niya kung sino iyon. Bumilis ang paglalagay niya ng gamit ng unit may kamay na pumigil sakaniya. Tila tumalon ang kaniyang puso nang maramdaman ang mainit na palad nito sa pala-pulsuhan niya.
“Madaling madali ka naman ata maka-uwi? We need to talk first. ”
May diin at seryoso ang pagkakabitaw ng mga salita nito.
Binawi niya ang kamay at muling nag patuloy sa ginagawa, “About what? If that's about the interior design para sa office ni Daddy aasikasuhin ko na agad once we got back sa bahay. ”
Kita niya ang paghilamos ng kamay nito sa mukha nito, “Stop fooling around, Letisha! ”
Tuluyan na siyang napahinto sa ginagawa nang tumaas na ang boses nito. Pakiramdam niya ay mabubuwal siya sa kinatatayuan niya.
Hindi niya kaya.
Hindi pa niya talaga kaya pag-usapan iyon.
Katulad ng dati—gusto niya muling takasan ang nangyari. Mag-panggap na wala lamang iyon.