Umagang umaga ay mainit ang ulo nito. Bukod sa hindi na nga ito nakakuha ng sapat na tulog dahil sa malalim na pag iisip ay bigla namang dumating sa bahay ang tatay at nanay nito para usisain siya sa kasal na magaganap. Mukha talagang mga hindi na makapag antay.
Tanging tango at pag sang ayon na lamang ang ginawa niya rito, dahil kahit ano namang pag di sang ayon niya ay wala ring silbi iyon. Ito at ito pa rin ang masusunod.
“Sir?” pukaw ng atensyon ng kaniyang secretary. Nasa meeting ito at wala na naman siya sa sarili niya.
Fuck! It was just a one time encounter but why am I so affected?
“Sorry please continue,” pag hingi nito ng paumanhin.
“Tuloy na tuloy na talaga?” he's with Clarence and Gustav. Nasa may Cafe Rio sila isang malapit na café mula sa building ng Dashmon Industry which is owned by Gustav's family.
Inaya siya ng dalawa to have some coffee and he agreed.
“Kaya pala hindi ka sumama kagabi,” panunuya ng kaibigang si Clarence. Sakanilang tatlo ito ang pinaka gastador, kahit saan na lamang gamitin ang pera. Kahit hindi naman party goer ay go lang ng go lalo na kapag may bago itong sasakyan. Gustav on the other hand is the most disciplined one among them. Masyadong masunurin sa tatay.
“Its more than that, dude.”
Kinuha ni Gustav ang kapeng nasa harapan nito at sumimsim dito, “Hmm it's quite interesting.”
Kitang kita naman niya ang nag lalarong ngiti sa mga labi ng kaibigan. This is not helping him now. He didn't even know why in the first place he is bothered?
“Ayokong maging lover boy katulad mo,” sinamaan naman niya ng tingin si Clarence.
Hindi naman siya playboy, actually he didn't had any girlfriend before. More on party and enjoying the city life, ayan ang pinagkakaabalahan niya during college days. Hanggang ngayon naman tuwing pag kakatapos nito sa opisina, that's why he can't get the point why on earth he is wasting his time finding that girl; now his soon to be bride also posses those grey eyes.
Ano bang meron sa mga ganong mata? Is it even possible to meet two different people with the same eye color? Obviously yes!
“Alam niyo namang pareho na hindi ako nakikipagrelasyon. Kasiraan lang yan sa kalayaan ko,” humalukipkip ito.
“Then why did you agreed to marry that heiress?”
Seryoso na siyang tignan ni Gustav na may pag tatanong sa mga mata. Hindi siya agad nakasagot.
He didn't also know the answer. All he can remember is, he agreed to marry that woman because of the terms his father gave. Masyado siyang gahaman sa pera noon para sa mga luho niya. But now that he is earning on his own from his architecture firm, ngayon hindi na niya alam.
“Masyado ka rin kasi padalos dalos sa desisyon mo, Kean.”
Umismid naman ito. Tama naman si Gustav, masyado rin siya nagpadala sa mga ipinangako ng dad niya noon to the point na nawala sa isip niya na kapalit noon ay ang kalayaan niya: no more parties and hang outs psh!
“I don't know," sagot nito sabay iwas ng tingin.
“Someone’s life is going to be f**k up!”
Sinamaan niya ng tingin ang kaibigan na ngayon ay nakangisi na, napailing na lamang ang isa. After having a coffee with his friends, bumalik na ito sa opisina.
Sandamakmak na papeles na naman ang tumambad dito. Halos lahat din nga trabahador nito ay busy sa bagong proyekto nila, isa iyon sa mga pinatatayong branch ng sasakyan under Servente Empire.
Gusto raw kasi ni Mister Rafael na siya ang mag disenyo ng gusali, masyado raw malaki ang tiwala nito sakaniya. Isang linggo na ang nakalipas matapos ang family dinner na iyon, hindi naman na siya ulit kinulit ng kaniyang magulang about sa preparation sa kasal dahil mukhang ang mga ito na talaga ang tuluyang nag asikaso.
Maigi na rin iyon dahil sa busy niya ngayon ay talagang wala na siyang oras para sa ganon, wala na nga rin siyang oras para makapag party.
Itong proyekto kasi na ito ang isa sa pinakamalaki na nahawakan niya, and the fact that it is a project from Servente Empire it was really something to be pressured about.
Abala ito sa pagtitipa sakaniyang laptop ng may kumatok, it was his secretary.
“Sir, andito po ang anak ni Sir Rafael.”
Kusang nangunot ang noo niya. Well, this is very unusual.
“Let her in,” pinagsiklop niya ang kaniyang kamay sa ibabaw ng executive table. Mula sa pinto ay lumitaw ang babae na nakasuot ng kulay krema na skirt na tinernohan ng kulay krema ring coat. Sa pang paa nito ay kulay black na heels. Pulang pula rin ang labi nito, which made her look more sizzling hot.
One thing he noticed about her is that she always have something red with her, may it be her make up, lipstick or something else. Dalawang beses pa lamang sila nagkikita—pangalawa ngayon, pero ito agad ang napansin niya rito.
“Have a seat,” sabay turo sa isang chair na nasa harapan niya.
“So how may I help you?” hindi niya maiwasang hindi mapalunok at mapatitig sa abo nitong mata. Hell! What is happening with me.
“Mister Monterey, regarding with the Servente Motor Industry I would like to volunteer to be the one who'll organize the interiors.”
He raised an eyebrow. Masyadong formal at direct to the point ang babaeng ito—too blunt. With the looks of this woman, ito iyong tipo ng babae na ayaw sa paligoy ligoy. Kung may namana ito sa ama ay ang pagiging straight forward nito at ang matapang na awra nito.
“I don't wanna be rude, Miss Servente but I already have an interior designer for this.”
May inilabas itong papel at iniabot iyon sa kaniya, “I already talked to my dad, he agreed. I’ll be working with you starting after the wedding.”
Muling may inilabas ito na papel at halos magbuhol na ang kilay niya, simpleng invitation iyon para sa kanilang intimate wedding. Tapos na pala lahat ng preparations noon and no one even dared to tell him that it will be next week!
He was about to speak when he heard a door shut. Umalis na pala ang babae na walang pasabi. Napasandal ito sa swivel chair at nahilot ang kaniyang balingusan.
First, she came there just to tell that she. wanted to be the interior designer of the Servente Motor Industry and last ay para gulatin ito sa kasal nila.
He didn't know that this girl was kinda bossy in some way. No wonder she's a Servente, but that is about to end.
-----
Tahimik lamang siya habang nasa byahe. He didn't dare to speak even a word, kahit ang katabi nito ngayon sa backseat ay mukha rin namang walang balak mag salita.
Katatapos lamang ng civil wedding nila. Only his parents and hers are there, actually only his dad. Papunta na sila ngayon sa isang restaurant na pinareserve ng parents nila for the simple celebration.
Pagkarating doon ay agad ding bumaba ang babae na hindi man lang siya nililingon. Unbelievable!
Nang makapasok ay sinalubong sila ng mga matatanda. Niyakap at bineso sila. Mga nakangiti ang mga ito simula kanina pang ceremony, mukhang sila lamang ang masaya sa kasalang ito dahil parehas lamang silang seryoso at tipid na ngumiti ng babae.
“Wow I just can't believe that you're finally my daughter-in-law. Do you mind calling me mom?” alanganin na ngumiti ang babae sabay tumango. Palihim na lamang siyang napailing.
“Ipapahanda ko na ang gamit mo Letisha. The earlier you move in with your husband the better,” umawang ang bibig nito at umalma.
“Dad, huwag na nakakahiya rin kay Lucas.”
Pasimple niya itong tignan at siya naman ay hindi malaman ang gagawin kung sasang ayon ba siya sa ama nito o sa babae. And what? Move in? Kailangan pa ba ‘yon? Hindi pa ba sapat ang kasal s**t!
“I guess it's better to let her do it, Dad.”
Tinignan siya nito, akala niya ay magagalit ito sakaniya sa pag kampi niya sa anak niya. Pero nakahinga ito ng maluwag ng ngumiti ito.
“Alright then. But I want you to move in there tomorrow morning.”
Move in saan? Sa condo ko?
“Iha, are you okay if temporary ay sa condo ka ni Lucas?”
“Ayo—”
“I bought a house for them,”halos lumuwa na ang mata ng magulang niya at siya naman ay laglag ang panga.
Hindi niya alam kung anong irereact. Kung matutuwa ba siya dahil hindi sakaniyang condo uuwi ang babae o maiinis dahil nag plano na naman ito ng hindi sinasabi sakanila.
“You bought what?!" ang ama na niya ang nag salita.
“Francis, hindi naman siguro masama iyong ginawa ko. They'll both benefit from it. Malay mo magkaroon na rin tayo ng apo hindi ba?”
Kitang kita niya ang pag irap ng babae sa tinuran ng ama. Apo? Napaka advance talaga ng mga ito. Iyon ang never mang yayari at sisiguraduhin niya iyon.
“Lets not rush things po. Lalo na ngayon may project pa na kailangan naming asikasuhin, especially Letisha will be my interior designer for the Servente Motor Industry. Right Letisha?”
Kita nito ang pagkagulat sa mata nito. Ilang beses pa ba itong magugulat ngayong gabi? Gusto man niyang bawiin ang sinabi tungkol sa pagiging interior designer ay hindi na pwede. Mas maigi na ma-divert na ang usapan kaysa buong hapunan siyang mailang at hindi makakain ng maayos.
“Y-Yes. I already talked about it with you dad. Naalala mo ba?” Tumaas ang kilay ng matanda.
“Hanggang kailan mo ba gagawin iyang pag pagiging designer mo? You're married now with Kean Lucas, oras na rin para matuto kang hawakan ang kumpanya natin. Nakakahiya rin naman kung puro asawa mo ang sasalo ng dapat na gawain mo, you're the only heiress of my company Letisha.”
Bumaba ang tingin nito sakaniyang plato. Para itong may gustong sabihin pero mas piniling manahimik na lang.
“Naku Rafael. Lucas will be a big help to Letisha, kahit papaano naman itong anak ko ay may alam sa pag handle ng business. Bukod kasi na may sarili itong architecture firm ay natulong pa rin ito sa daddy niya.”
“Yeah, kahit naman puro gimik itong si Lucas ay maasahan ko pa rin naman. I just hope na matanggal sa sistema nito ang pagiging party goer niya lalo na at may asawang tao na siya ngayon.”
Matamang tinignan siya ng kaniyang ama. Napaiwas naman siya. Ito ang hindi niya maintindihan sa magulang niya, nag sasaya lang naman siya anong mali ron?
Natapos ang "celebration" nila ng panay tungkol na naman sa business at mga bilin sa pag aasawa. Wala naman talaga siyang naintindihan ni isa ron at isa pa ay wala siyang interes.
Sasakay na sana siya sakaniyang kotse na mapansin ang babae na kalalabas lamang ng restaurant. Suot pa rin nito ang white dress mula sa kasal kanina.
Para itong naiiyak sa itsura ng mukha nito ngayon. Nakakunot ang noo at namumula ang tungki ng ilong. He's about to turn around and leave when he heard someone cursed.
Ito pala iyon dahil wala pala itong dalang kotse. Ang driver ng daddy kasi nito ang naghatid sakanila kanina sa restaurant and why do he have his car? Pinasuyo niya lang ito sa kaibigan kanina.
“Need a ride?” masama siyang tinignan nito. Kitang kita niya ang pag kislap ng mata nito dahil sa luha.
Napaawang ang labi niya. He can't deny that even though this woman is crying she's still a breath taking sight.
He cleared his throat, “ I just heard you cursing so nag offer lang. Sige alis na ako.”
Hindi pa man siya nakakahakbang ay hinawakan na siya nito sa kamay upang pigilan.
“Wait a-ano,” tumayo ito at pinunasan ang luha niya. Nakita naman nito ang bahagyang pamumula ng pisnge, marahil siguro ay nahihiya na nakita niya ito sa ganitong lagay.
“Bilisin mo. I hate waiting may pupuntahan pa kasi ako,” sumunod ito sa kotse niya at sa passenger seat ito sumakay.
Habang binabagtas ang daan ay nag salita ito, “Do you know the way papunta sa bahay?”
Sinagot niya ito ng hindi nililingon, “ Yeah. I've met your dad multiple times before.”
Ilang beses na rin kasi siya naimbitahan ng lalaki noon. Pero iyong mga panahon na iyon ay wala ang babae, ang alam niya ay nasa Italy ito at nag aaral. Iyon lang din naman kasi ang sinabi ng ama nito.
Tumigil ang sasakyan sa malaking bahay na pag aari ng mga Servente. Bago pumasok sa gate ay nilingon pa siya ng babae sa bintanang nakabukas.
“Thanks for the ride.”
Tango lamang ang isinagot niya rito. Nang makapasok na ito sa loob ay agad nitong pinaharurot ang sasakyan.
He didn't know what came to his mind that night. Pwede naman niya kasi itong iwan na lang doon, pero nakita na lamang niya ang sarili na naglalakad papunta sa pwesto niya.
Pagkapasok pa lamang niya sa bar kung saan ang napag-usapan na meet up ng kaibigan niyang si Clarence tinungga na agad niya ang nakahain na alak sa lamesa.
“Wow dude! Hindi mo ata kasama ang "wife" mo!” nakangisi ito at nang aasar. His two friends knew na ngayon ang kasal niya kaya pihadong panay ang pang aalaska nito buong gabi.
Hindi niya ito pinansin at tumungga ulit. Weird look naman ang ibinigay sakaniya ni Gustav.
“So how was it?” umiling siya sa tanong ni Gustav.
Ayaw niyang magkwento. Ayaw niyang ikwento na inihatid pa niya ang babae bago dumeretso rito, mas aalaskahin siya ng mga ito. His the type of man who doesn't care about girls basta may party na pupuntahan.
“Malambot ba ang labi dude? Kasing lambot ba nung—” sinamaan niya ito ng tingin kaya nabitin sa ere ang sasabihin nito. Ngumisi na lamang ito.
He clearly knows what his friend is talking about. Alam na alam niya kung sino ang tinutukoy nito.
Hell! He doesn't know the answer. Hindi naman niya kasi hinalikan ang babae sa labi kundi sa pisnge lamang. He still can remember how nervous the girl was when he leaned to reach her lips, kaya sa halip na sa labi ay sa pisnge tumama ang halik.
Shit! Bakit tunog nanghihinayang ata ako?