Chapter 31

1413 Words

Napahawak sa dibdib si Apol nang bigla niyang mabasag ang isang poon sa likod niya. Gusto niyang hampasin ang sarili dahil sa nangyari nang marinig niya ang boses ni Amanda. "Sino 'yan?" Imbis na magtago ay napako na lang siya sa kinatatayuan. Nang makita si Amanda, halos marinig na niya ang tunog ng t***k ng puso niya. "Well, well, look who's here." Hinila siya ni Amanda sa buhok at kinaladkad sa harap ni Dom. Napadaing na lang siya nang maramdaman ang pagguhit ng sakit sa anit niya. Nanlaki ang mga mata ng binata nang makita ang dalaga. "Apol, ano 'ng ginagawa mo rito?" Ramdam niya ang panghihinayang sa boses nito. Nasayang lang ang pag-alis niya at pagsasakripisyo dahil ang babaeng nais niyang protektahan ay nasa harap niya ngayon - kasama ang babaeng tatapos sa kaniyang buhay.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD