Chapter 27 "YOU KNOW, Bes, isa na lang, kukutusan ko na 'tong si Dom. Kanina pa ako pinepeste!" bulalas ni Marge. Nakahilata ako sa kama niya habang siya naman ay nakaupo sa study table niya. Magkaharap kaming dalawa at walang imikan hanggang sa hindi na yata niya kinaya. Dito pa rin kasi ako natutulog. Hindi ko pa yata kaya ang matulog sa apartment. Ni hindi ko nga alam kung kaya ko pang bumalik doon para kumuha ng damit. "Ano na naman ba?" tanong ko. Binato niya sa 'kin ang phone niya. Mabuti na lang at sa malambot niyang kama iyon bumagsak. Pasalamat siya at malaki ang kama niya. (Marge's Phone) Saturday 7:54 AM Dom: Hey, Marge! Please, I want to talk to her. Marge: Ang kulit mo talaga! Hindi nga pwede! Siya ang may ayaw kaya kahit mapilit mo ako, wala akong magagawa. Dom:

