SHEENA'S POV Papunta na kami ngayon ni Bryan sa Company ni Daddy kung saan siya palagi busy, siguradong masusurpresa ko siya. Bigla tuloy ako na-excite na makita si Dad ngayon. Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon niya kapag nagkita kami ngayon. Magiging masaya kaya siya kapag nakita niya ako? Grabe hindi ko talaga alam. "Are you excited?" napatingin ako kay Bryan na nakangiti ngayon sakin. Grabe, minsan naisip ko ‘bakit ang bait ngayon sakin ni Bryan?’. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Sobra," sabi ko pero may pumasok sa isip ko na, sa tagal na hindi na pagkikita namin ni Daddy, baka nagbago na rin yung attitude niya. Pero sa naman hindi. Makalipas ang ilang minuto naming byahe, narating na rin namin ang company ni Daddy dito sa states. Bumaba na kami ng kotse at naglakad

