BRYAN'S POV May narinig akong sumisigaw sa isang Hotel Room no.116 kaya naman nagmadali ako para puntahan yun. Pero nung pagkabukas ko ng pinto nakita ko si Sheena na halos sira-sira na ang damit kaya naman napasigaw na lang ako. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magalit. "Bitawan mo si Sheena!!!" sigaw ko kay Jack. Agad naman siyang napatingin sa gawi ko kaya naman sinugod ko agad siya at agad na sinuntok. Binawian niya rin ako at sinuntok sa mismong mukha ko. What the heck! f**k this man! Sinuntok niya pa talaga ang mukha ko? Bwiset siya, baka masira ang kagwapuhan ko nito!!! Tinulak ko siya at napahiga siyang bumagsak. Sinakyan ko siya at tinadtad ng maraming suntok kaya naman agad siyang nawalan ng malay. Pinuntahan ko si Sheena at hinubad ang jacket ko. Isinuot ko 't

