"YES. You can kiss me." Nang isagot ni Bria iyon kay Frank matapos siya nitong tanungin kung pwede siya nitong halikan ay napansin niya ang pagtingkayad ng itim na mga mata nito habang nakatitig sa kanya. Mayamaya ay napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa labi. Naramdaman din niya ang paghiwalay nito sa kanyang hita at pumuwesto ito sa gitna niyon. Tumaas naman ang isa nitong kamay patungo sa labi at hindi niya napigilan na i-awang iyon ng haplusin nito iyon gamit ang hinlalaking daliri nito. Saglit nga nito iyon hinaplos hanggang sa dahan-dahan nitong inilapit ang mukha sa kanya. Hindi naman na hinintay ni Bria na maglapat ang mga labi nila, kusa nang pumikit ang mga mata niya. And when their lips touch, she can see fireworks. Saglit na naglapat ang mga labi nila hanggang sa

