"BRIA?" sambit ni Tita Dana sa pangalan niya nang makita siya nito. Muli niyang napansin ang pagbaba nito ng tingin sa suot niya at sundan niya ang tinitingnan nito ay ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang makita ang ayos niya ng sa sandaling iyon. She is still wearing Frank's long-sleeved shirt. She was also at his penthouse early in the morning. At kung siya ang nasa kalagayan ni Tita Dana, kapag nakita niya ang isang babae na kasama ng anak na lalaki sa bahay nito mismo, wearing her son's long-sleeved early in the morning, she will think somenthing else. Iisipin niyang may ginawang ka-milagro-han ang babae at ang anak. At sa isiping iyon ay mas lalong nanlaki ang mga mata niya. Sa klase ng titig ni Tita Dana sa kanya ay alam niya kung ano ang iniisip nito. Alam niyang i

