"ARE you sure about that?" Humugot si Bria nang malalim na buntong-hininga sa narinig na tanong ni Ervin sa kanya ng minsan tawagain niya ito through audio call. She called Ervin because she wanted to inform him of her decision to finally introduce the father and child to each other. "Yes, Ervin. Sigurado na ako," may pinalidad na sagot niya. Gaya ng sinabi ni Bria sa sarili ay ayaw na niyang maging unfair kay Frank at Brylle. At gusto din naman ni Bria na maging masaya ang anak kapag tuluyan na nitong nakilala ang ama nito. Alam niyang siya ang dahilan kung bakit pinipigilan ni Brylle ang sarili na lumapit sa ama nito, kung bakit kahit na gustong-gusto nitong makasama ang ama nito ay pinipigilan nito ang sarili dahil iniisip nitong masasaktan siya. At gaya din ng sinabi ni Bria sa sari

