HINDI napigilan ni Bria ang pagbilis ng t***k ng puso nang pagmulat ng kanyang mga mata ay ang nakapikit na mukha ni Frank ang unang niyang nakita. He was peacefully sleeping beside her. His hand was wrapped around her waist, and she had her arms around Frank. Hindi natuloy ang balak niyang pagtulog sa sofa kagabi dahil hindi siya pinayagan ni Frank. Kasya din naman daw sila sa kama at bakit pa daw siya matutulog doon? Gusto naman niyang tumanggi sa gusto nito pero hindi na lang niya ginawa dahil may bahagi ng puso niya na gusto din itong makatabi. Hindi muna tuluyang bumangon si Bria mula sa pagkakahiga niya sa kama. Gusto pa kasi niyang titigan si Frank, gusto pa niya itong pagmasdan. Frank was really handsome, pansin niya na ang kinis-kinis ng mukha nito, pansin nga din niya n

