ILANG minuto nang naka-park si Bria sa tapat ng mansion ng Del Mundo pero hindi pa din siya lumalabas sa kanyang kotse. Naroon siya dahil pinatawag siya ng ama, may gusto daw itong sabihin sa kanya. At kahit na hindi nito sinabi ang dahilan kung bakit siya nito gusto kausapin ay may ideya na si Bria kung ano iyon. Tungkol na naman iyon sa pinapagawa nito sa kanya. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Bria. Pagkatapos niyon ay nag-desisyon na siyang lumabas ng kotse. Baka hinihintay na ng ama ang pagdating niya. Mabibigat ang mga hakbang niya habang papasok sa loob ng mansion. Hindi maintindihan ni Bria pero kapag naroon siya sa mansion ng mga Del Mundo ay hindi siya at ease, ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Siguro ganoon ang nararamdaman niya dahil wala naman siya

