PAGKATAPOS maligo at nagbihis si Bria ay lumabas na siya sa hotel room na tinutuluyan para mag-breakfast. May kasamang free breakfast ang hotel kung nasaan siya kaya bumaba siya para do'n na lang din kumain. Ginugol naman ni Bria ang sarili do'n ng halos mahigit isang oras. At nang matapos ay sa halip na bumalik sa hotel room ay naisipan na lang ni Bria na mamasyal na lang, sayang din ang oras. At maganda ding maglakad habang hindi pa masyado tirik ang araw. At ayaw din naman niyang manatili sa loob ng hotel dahil mas lalo niyang maiisip si Frank kung mag-isa lang siya. Kaya nga siya naroon sa Baguio dahil gusto niyang mag-unwind. Naisipan ni Bria na hindi na lang dalhin ang kotse niya dahil baka ma-traffic pa siya sa daan. Maglalakad na lang siya, walking distance lang din kasi ang B

