Maaga ako nagising pumunta kaagad ako sa banyo at binuksan ko kaagad ang pregnancy test na binili ko kahapon. Makalipas ang 15-30 minutes, tiningnan ko ang resulta,tumulo ang luha ko,hindi ko alam kung sa ligaya na o lungkot,lungkot kasi mapipilitan akong pakasalan si Randy. Ito na ang katibayan na buntis talaga ako. Lumabas ako ng banyo,hawak hawak ang pregnancy test. Umiiyak ako nang biglang may kumuha ng pregnancy test sa kamay ko."Yes,yes,yes, babe totoo ba ito ha may Anak na tayo", masayang tanong ni Randy sa akin. "Bakit,ka nandito ha?tanong ko sa kanya. "Babe, huwag ka nang magtanong kung bakit ako nandito", lahat kaya kong gawin para sundan ka kung saan ka man pupunta", sabi niya sa akin. Biglang bumaliktad ang sikmura ko,nagtatakbo ako papuntang banyo. Suka ako nang suka"Okay ka lang babe?tanong ni Randy sa akin. Hinimas himas niya ang aking likod. Bigla niya akong binuhat at inilagay sa kama. "Babe,magpahinga ka muna,ako na ang magluluto"sabi niya sa akin. Hinalikan niya muna ako sa labi bago siya umalis. "Ang baho baho mo",sabi ko sa kanya. "Babe,bagong toothbrush ako."sagot niya sa akin. "Gusto kong kumain ng manggang hilaw",sabi ko sa kanya. "Sandali lang babe,bibili ako hintayin mo ako madali lang ito". Nagmamadaling umalis si Randy. Humiga muna ako dito sa kwarto ko. Randy pov. Masayang masaya ako ngayon dahil magiging daddy na ako. Sa wakas makakasal na rin kami ng babe ko. Nagmamadali akong pumunta ng mall dito,bibili ako ng manggang hilaw. Pagkatapos kong bumili ng manggang hilaw bumalik ako kaagad sa bahay na tinutuluyan nila Sherlyn at May. Nandito na ako sa harap ng bahay nila nang biglang may tumawag sa akin. "Hello!"sagot ko kay Andy. "Pinsan,nasaan ka ngayon?tanong niya sa akin. "Bakit,tanong ko sa kanya. "Pinsan tulungan mo naman ako. Umalis si May hindi ko alam kung saan ko hahanapin"sabi ni Andy sa akin. "Kung sakaling alam ko kung nasaan si May,ano ang ibibigay mo sa akin?"tanong ko sa kanya."Pinsan, kahit ano ang hilingin mo ibibigay ko hindi kona alam ang gagawin ko pinsan"sabi niya sa akin."Binibiro lang kita pinsan"sagot ko sa kanya. Ititext ko sa'yo ang address kung nasaan si May". Talaga,pinsan alam mo kung nasaan si May?,tanong niya sa akin. Bago ako pumasok sa loob. Pinadala ko muna ang address dito nila May,para makasunod kaagad si Andy. "Babe,nandito na ang manggang hilaw,napahinto ako kasi nakatulog pala si Sherlyn sa sofa. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya. Napakaganda talaga niya nagsisisi akong hindi ko siya nabigyan ng pansin noon. Sana bigyan ako ng pagkakataon ni Sherlyn na maipakita sa kanya na mahal na mahal na mahal ko siya. "Babe, I love you, very very much"bulong ko sa kanya. Bigla siyang nagmulat ng mata. "Babe,nandito na ang manggang hilaw" sabi ko sa kanya. "Nasaan akin na,kakainin ko na,sabi niya sa akin. "Teka,babe babalatan ko pa ito"sabi ko sa kanya. "Ayaw ko huwag munang balatan"sagot niya sa akin. Bigla niyang kinuha ang mangga at umalis akala ko kinain na niya. Hinugasan niya ang mangga at kinain pati balat nito. Bigla siyang lumapit sa akin,"kumain ka gusto kong tayong dalawang ang uubos nito." Hindi ako nakaimik kahit hindi ako kumakain ng manggang hilaw. "Okay,babe walang problema,kakain ako"sagot ko sa kanya. Kumain din ako napakaasim pero hindi ko pinahalata sa kanya baka magalit siya. Kasi parang hindi siya naasiman kaya ayaw kong madis appoint siya.Nagluluto ako ngayon dito sa kusina nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Sherlyn. Pumasok siya sa banyo sinundan ko siya nakita ko siyang sumusuka lumapit ako sa kanya at hinimas himas ko ang likuran niya,"okay ka lang babe,tanong ko sa kanya. "Parang nahihilo ako,"sagot niya. Pero nagulat ako dahil bigla siyang natumba buti na lang at nasalo ko siya. "f**k,babe,sabay salo ko sa kanya. "Babe", kinarga ko siya at pinasok ko siya sa kanyang kwarto. Nag aalala ako sa kanya hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko. Buti na lang pumasok si May. "Anong nangyari bakit hinimatay si Sherlyn?tanong ni May sa akin. "Ewan,ko bigla na lang siyang hinimatay pagkatapos niyang sumuka"sagot ko kay May. "Buntis kasi siya at ako ang ama",sagot ko sa kanya."Ganyan talaga ang buntis",sabi ni May. "Salamat Randy at gumawa ka ng paraan para makabawi sa bestfriend ko"sabi niya sa akin. "Ako nga dapat magpasalamat sa'yo May dahil sinabi mo sa akin ang address niyo dito"sagot ko sa kanya. Hayaan mo makakabawi din ako sa'yo at liligaya ka rin",sabi ko sa kanya. Pumasok ako sa kwarto ni Sherlyn. Hindi ako pumasok kanina dahil hindi pa siya nakatulog. Ngayong tulog na siya dahan dahan akong lumapit sa kanya at umupo sa tabi niya. Tiningnan ko siya at hinalikan ko siya sa noo. "Mahal na mahal na mahal kita babe,bulong ko sa kanya. Maghihintay ako kung kailan mamahalin mo ako ulit,bulong ko sa kanya ulit. Maghihintay ako kahit ilang taon pa mahalin niya lang ako ulit. Napakaganda niya hindi ako magsasawang panoorin siya. Sana mabigyan niya ako ng pagkakataon para patunayan sa kanya na mahal ko siya. Sherlyn pov Maligayang maligaya ako sa mga pinapakita ni Randy ngayon sa akin. Sa mga pag aalala niya sa akin,sa mga pag aasikaso niya sa akin. Pero bakit para kulang pa rin ang mga ginagawa niya sa akin? Bakit mahirap paniwalaan,para ngang nanaginip lang ako. Gusto kong maniwala sa kanya,pero ewan ko ba kung bakit ayaw maniwala ng isip ko. Pero itong puso ko pagdating sa kanya ay naniniwala agad. Uuwi na ako bukas pabalik sa Pilipinas. Inihanda ko na lahat ng gamit ko. Biglang bumukas ang pinto. "Babe,bakit ka na inimpake,tanong ni Randy. "Babalik na ako bukas ng Pilipinas"sagot ko sa kanya. "Ako na ang mag inimpake babe",sabay kuha ng tinitiklop kong damit. Hinayaan ko na lang siyang magpapatuloy sa mga ginagawa ko. "Babe, ano pang mga dadalhin natin bukas"?tanong niya sa akin. "Bakit,natin ang sinabi mo","ako lang ang mag isang bababiyahe"sagot ko sa kanya. "Hindi pwede iyang sinasabi mo babe,hindi ako papayag na aalis kang mag isa", papaano kung may mangyari sa iyo,sa inyo ng anak natin?"tanong niya sa akin. " Pagbibigyan kita sa lahat ng gusto mo,kung masiguro kong walang mangyayari sa inyo ng anak natin, naiintindihan mo?, Babe, huwag ka nang kumontra okay,sabi niya sa akin. Tumango na lang ako dahil tama naman siya ayaw ko ring may mangyaring masama sa dinadala ko. "Tulog na ako, inaantok na naman ako"paalam ko sa kanya. Hinawakan niya ang kamay ko at dinala niya ako sa kwarto ko. Gusto kong mga ginagawa niya sa akin ngayon. Parang secure na secure ako. Pagdating sa kama ko. Pinahiga niya ako at kinumutan. "Babe, matulog ka lang dito,ha maglalaba lang ako sa mga labahin mo,sabi niya sa akin. Hinalikan niya ako sa noo,bago umalis. Nakangiti ako habang iniisip at nagtatanong kung totoong mahal na ako ni Randy ngayon at bakit ngayon lang niya ako minahal sana noon pa, para hindi na niya ako nasaktan. Kaya nagdadalawang isip ako ngayon kung pakakasal ba ako sa kanya o hindi. Randy pov. Hinanda ko na lahat ng mga dadalhin namin ni Sherlyn,pabalik ng Pilipinas. "Babe, halika na alis na tayo"sabi ko sa kanya. "Bes,alis na kami, paalam ni Sherlyn kay May. Tiningnan ko ang cellphone ko nakita kong si Andy ang tumatawag sa akin. Hello!sagot ko sa tawag ni Andy,hindi ko pinahalata para hindi mahalata ni May. "Bilisan mo aalis na kami ni Sherlyn"bulong ko sa kanya. Nakita kong nagyakap ang magbestfriend. May nag-doorbell,alam kong si Andy na ang dumating. May binuksan ko ang pintuan, si Andy nga ang dumating. Nagulat ako kasi biglang sumigaw si May. "Bakit ka nandito ha?,tanong ni May kay Randy. "Honey,please patawarin mo na ako", pakiusap ni Andy kay May. Ganyan talaga basta mahal mo ang isang tao,lahat gagawin mo makuha lang ang taong minamahal mo. "Babe, halika na hayaan na natin sila," sabi ko kay Sherlyn. Tinapik ko ang likod ni Andy,"alis na kami insan,ikaw na ang bahala dito"paalam ko sa kanya. "Pero, sabi ni Sherlyn. Hinalikan ko siya kaagad. "Hayaan mong maging masaya ang kaibigan mo mahal na mahal na mahal siya ng pinsan ko" sabi ko kay Sherlyn. Randy pov. Umalis na kami ni Sherlyn papuntang airport. Walang kibo si Sherlyn,alam kong iniisip niya ang bestfriend niya. Huminto ako sandali kasi tumawag si Andy. "Hello,insan napatawag ka"?tanong ko sa kanya. "Salamat, insan,sabi niya sa akin. "Huwag kang magpasalamat",sagot ko sa kanya. Magsasalita pa sana ako nang biglang inagaw ni Sherlyn ang cellphone ko."Hoy, Andy siguraduhin mo lang ha,na hindi mo na sasaktan ang bestfriend ko." Isang drum na luha na ang sinayang niya nang dahil sa iyo."sabi ni Sherlyn kay Andy. Hindi ko na narinig ang sagot ng pinsan ko dahil pinatay ni Sherlyn ang tawag ng pinsan ko. Hinayaan ko na lang siya,ayaw kong ma stress siya,baka mapaano pa ang baby namin. "Babe,huwag sumimangot papangit ang baby natin"sabi ko sa kanya. " Tumahimik ka" sigaw niya. Hindi na lang ako umimik. Nagmamaneho na lang ako papuntang airport. "Huwag kang makikialam kung ayaw mong sa iyo ko ibunton ang galit ko sa pinsan mo",sabi niya sa akin. "Babe,hindi ako makikialam,sige hindi na ako iimik,sagot ko sa kanya. Nakarating na kami sa airport. Hinawakan ko ang kamay niya sa kaliwang kamay ko,habang bitbit ko sa kanang kamay ko ang bagahe namin. Pagdating namin sa upuan namin dito sa loob ng eroplanong nakalaan sa amin. "Babe,tulog ka muna,sabi ko sa kanya. Hindi siya umimik pero nakapikit ang mga mata niya. Isinandig ko ang ulo niya sa balikat ko,at hinawakan ko ang kamay niya. "Tulog ka muna,babe.bulong ko sa kanya. Hinalikan ko siya sa labi. "Mahal,na mahal kita,babe.buling ko sa kanya. Tinignan ko lang si Sherlyn,habang siya ay natutulog. Ang sarap sa pakiramdam. Masayang masaya ako, sobrang napakasaya ko ngayon. Mas lalo akong sasaya pagnakasal na kami. Nakarating na kami ng Pilipinas. Ginising ko na si Sherlyn. Lumabas na kami ng airport. Sakay na kami ng kotse ko. Paglingon ko kay Sherlyn nakapikit ang mga mata niya. Dinala ko siya sa condo ko,ayaw ko na siyang ihiwalay sa akin. "Bakit,dito mo ako dinala"?tanong niya sa akin. "Babe,ayaw na kitang ihiwalay sa akin"sagot ko sa kanya. "Ayaw,ko iuwi mo ako sa amin,"sabi niya sa akin. "Kung ayaw mong magalit ako sa'yo,iuwi mo ako sa amin ngayon din"galit niyang sabi. "Okay,babe huwag ka lang magalit baka mapaano pa ang baby natin",sabi ko sa kanya. Pakiusapan ko na lang ang daddy ni Sherlyn na doon muna ako sa kanila titira,para matingnan ko si Sherlyn. Ayaw kong mahiwalay sa kanya. Alam na ng daddy ni Sherlyn na buntis siya. Tinawagan ko na siya noong nakaraang araw. At sabi ng daddy niya kailangang makasal kami kaagad. Ang problema ko na lang ay si Sherlyn,baka hindi pumayag.
Sherlyn pov Nagising ako na nasa tapat na kami ng bahay namin. "Babe, halika na,sabi ni Randy. Hindi ko siya sinagot,kinuha niya ang kamay ko pero tinapik ko ang kamay niya. Pumasok ako sa bahay namin na nakasimangot. Nasa sofa sila mommy at daddy. "Hi, mommy, daddy.bati ko sa kanila. Magmamano sana ako sa mga magulang ko nang biglang nagsalita si Randy sa likod ko."Magandang hapon po tito,tita,magalang na bati ni Randy sa mga magulang ko. "Randy,iaakyat muna sa itaas ang mga gamit niyo sa kwarto ni Sherlyn"utos ni daddy kay Randy. "Dad,bakit pati mga gamit ni Randy ay iaakyat sa kwarto ko?,tanong ko kay daddy. "Dahil simula sa araw na ito ay magsasama na kayo ni Randy,para mabantayan ka niya lalo na ngayong aalis kami ng mommy mo papuntang France may business meeting kaming dadaluhan"sabi ng daddy ko. Hindi na lang ako tumutol,dahil alam kong si daddy pa rin ang masusunod. "Sige, daddy akyat muna po ako sa kwarto ko"paalam ko sa mga magulang ko. Pagdating ko sa kwarto ko nakita ko si Randy na inaayos niya ang mga damit. Humiga na ako kaagad, hinayaan ko si Randy na mag ayos ng mga gamit ko. "Babe, pahinga ka muna, gigisingin na lang kita pag nakaluto na ako ng pagkain mo". "Anong gusto mong pagkain, lulutuin ko",tanong ni Randy. Bigla akong nainis sa kanya. "Pwede ba umalis ka na sa harap ko,ayaw kitang makita rito."bulyaw ko sa kanya. "Bigla siyang nalungkot,"Sige babe alis na ako"sagot niya sa akin. Paglabas niya isinara ko ang pinto. Naaalala ko ang mukha ni Randy kanina nang sigawan ko siya. Bigla siyang nalungkot. Nakokonsensya tuloy ako. Nakatulog ako sa kaiisip sa ginawa ko kay Randy kanina. Nagising na lang ako nang biglang may humalik sa akin sa labi. "Bakit,mo ako hinalikan?,tanong ko kay Randy. "I love you babe,sabi ni Randy sa akin. Niyakap niya ako sabay sabing "mahal na mahal na mahal kita babe." sabi niya."Ewan ko sa iyo,hindi kita mahal,ang pangit mo,sagot ko sa kanya . Randy pov. Nandito ako ngayon sa kusina nila Sherlyn. Nagluluto ako sa pagkain namin ni Sherlyn. Malungkot ako dahil ramdam kong ayaw ni Sherlyn na nandito ako sa bahay nila. Pero handa kong tiisin lahat para mahalin ulit ako ni Sherlyn. Noon nga ginawa ni Sherlyn lahat para maipakita lang sa akin kung gaano niya ako kamahal,dapat ganoon din ang gagawin ko. Alam kong nagkamali ako ng hindi ko natugunan kaagad ang pagmamahal ni Sherlyn sa akin noon. Babawi ako ngayon sa kanya. Sobrang mahal na mahal ko siya. Hindi ako papayag na hindi kami makasal. Handa kong tiisin lahat ng pagbabalewala sa akin ni Sherlyn.Kahit pa ilang beses niya akong ipagtabuyan. Nagulat ako dahil biglang may tumapik sa likod ko. "Randy,bakit nakatulala ka diyan?,tanong ng daddy ni Sherlyn sa akin. "Kasi po si Sherlyn, pinagtabuyan niya po ako," malungkot kong sagot sa daddy ni Sherlyn. "Susuko ka na agad?,tanong ng daddy ni Sherlyn. "Hindi po ako susuko,Tito, sobrang mahal na mahal na mahal ko po si Sherlyn. "Handa ko pong gawin lahat-lahat para lang po mahalin po ulit ako ng anak mo Tito".sagot ko sa kanya. "Tito, tulungan niyo po ako na matuloy po ang kasal namin ni Sherlyn."pakiusap ko sa kanya. "Huwag kang mag aalala dahil nakita ko na mahal na mahal mo talaga ang anak ko, tutulungan kita"sagot ni tito. "Sige, tito akyat po muna ako para makakain na po si Sherlyn"paalam ko kay Tito. Pagdating ko sa kwarto ni Sherlyn. Tiningnan ko siya tulog na tulog pa siya. Nilapitan ko siya at hinalikan ko siya sa labi. Ako na siguro ang pinakamasayang lalaki kung mamahalin ako ulit ni Sherlyn. Tumabi ako sa kanya at hinalikan ko siya ulit sa labi . "Mahal na mahal na mahal kita babe,bulong ko sa kanya. "Bakit mo ako hinalikan ha?,tanong ni Sherlyn. "Hinalikan kita kasi mahal kita,sagot ko sa kanya.
"Kain na tayo babe",sabi ko sa kanya. Tumayo na ako at hinalikan ko ang tiyan ni Sherlyn."Baby,kumusta ka na diyan?, huwag mong masyadong pahirapan si mommy ha, bulong ko sa tiyan ni Sherlyn. "Tulungan mo ang daddy,baby ha na mahalin na ulit ako ni mommy baby,sabi ko sa baby ko. "Alam mo baby,sabihin mo naman sa mommy mo na patawarin niya na ako baby,bulong ko ulit sa tiyan ni Sherlyn. "Sabihin mo rin sa mommy mo baby, na mahal na mahal na mahal ko siya, bulong ko ulit.
Hindi ko napigilan ang sarili kong umiiyak,sana mahalin ako ulit ng babaeng pinakamamahal ko. Pinunasan ko ang luha ko nang makita kong nakatingin sa akin si Sherlyn. "Babe, kain na tayo,sabi ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako at bumangon siya kaagad. Nag aalala ako kaya tinulungan ko siya para makabangon. "Umalis ka nga diyan hindi ako imbalido,kaya kong bumangong mag isa."sabi niya sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Kinarga ko siya bridal style,iniupo ko siya sa may maliit na mesa. Nilagyan ko siya ng pagkain sa plato niya,"Kain ka na babe,kanina pa gutom ang baby natin, diyan sa tiyan mo",sabi ko sa kanya. Kumain na kami,maganang kumain si Sherlyn. Masayang masaya ako,kahit hindi niya ako pinapansin. Binigyan ko siya ng tubig at ininom niya ito. Di baleng hindi niya ako papansinin,basta kasama ko siya,masaya na ako doon. Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam ako sa kanya na aalis ako,"Babe,alis muna ako ha"paalam ko sa kanya. "Wala akong pakialam kung saan ka pupunta,umalis ka at huwag ka nang babalik",sagot niya sa akin. "I love you babe, tandaan mo iyan, sobrang mahal na mahal na mahal kita babe,hindi ko kayang mawala ka sa akin,"sagot ko sa kanya. Nakaalis na ako sa bahay nila Sherlyn. Dito ako pumunta sa lugar kung saan lagi kong pinupuntahan kapag may problema ako. Sa tabing dagat kung saan unang inamin sa akin ni Sherlyn,na mahal niya ako. Tumulo na naman ang luha ko nang naaalala ko na pinahiya ko siya mga kaibigan ko.Labing pitong taon pa ako noon. Nagpunta kami ng mga kaibigan dito sa paborito naming puntahan. Malamig ang hangin dito kasi nasa tabing dagat kami, pag aari ito ng mga magulang ko. Andito na kami lahat ng barkada ko,nang biglang dumating si Sherlyn. Labing anim na taon na siya noon. Alam ko kasi pareho kami ng kaarawan. "Happy birthday Randy,"bati niya sa akin. "Happy birthday din sa iyo, Sherlyn,sagot ko sa kanya. Okay naman talaga kami noon kasi nga mula pagkabata kaklase ko na siya. Kaya kilala ko siya. Nagulat ako nang biglang yumakap siya sa akin at,"Mahal na mahal kita, Randy,sabi niya sa akin. "Sumigaw bigla ang mga kaibigan ko,"Randy,mahal ka daw ni Sherlyn",sabi ni Jeffrey. Dahil nahihiya ako sa mga kaibigan ko. Tinulak ko si Sherlyn sabay sabing,"Hindi kita mahal,hindi rin kita magugustuhan dahil ang pangit mo, tingnan mo nga ang sarili mo, sa tingin mo magugustuhan kita,sabi ko sa kanya. Tumayo siya na may luha sa mata at umalis na umiiyak. Simula noon hindi siya nag atubiling ipakita sa akin na mahal niya ako, may pagkakataon pa nga na binuhusan ko siya ng softdrinks sa harap ng mga kaibigan ko. Pero sige pa rin siya sa pagpapakita at pagpaparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kaya dapat lang na magtiis ako kung ipagtabuyan niya ako. Siya nga nagtiis ng maraming taon,para maipakita at maipadama niya sa akin kung gaano niya ako kamahal. Kaya hindi ako susuko. "Patawad Sherlyn,sa mga nagawa ko sa'yo noon. Hayaan mo babawi ako. Ngayon ko lang narealize na sobrang dami ko ng kasalanan sa babaeng mahal ko.