Sherlyn pov: Habang nagtatawanan kami,nakita ko si Randy na umupo sa kabilang mesa. Tumingin siya sa akin. Parang galit. Hindi ko na siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya,wala na akong pakialaman sa kanya. Tumayo siya at lumapit sa amin. "Hi, pare, ako si Randy, boyfriend ako ni si Sherlyn". Tiningnan niya si Hector ng masama. Hindi nagpasindak si Hector dahil alam niya ang tungkol sa amin,dahil kinuwento ko sa kanya noong nasa probinsiya pa ako. Kumindat si Hector sa akin at tumingin kay Randy. "Pare, sa pagkakaalam ko hindi mo gusto si Sherlyn. At lagi mo siyang pinapahiya". "Bakit ngayon inaangkin mo na siyang girlfriend? "Alam mo pare ngayon nandito na ako hindi ko hahayaang masaktan pa siya". At gusto kong malaman mo na mahal na mahal ko siya at hindi ako titigil hanggang sa sagutin niya ako". "Gano'n ko siya kamahal". Umalis si Randy sabay hila sa Selya at natumba ito. " Salamat Hector,at sinabi mo sa kanya iyon". Niyakap niya ako. "Huwag kang mag aalala kung talagang mahal ka niya. Hindi ka niya isusuko".sabi ni Hector sa akin. Niyakap ko siya nang mahigpit para akong nakakita ng kakampi dahil sa ginawa niya kay Randy kanina.Napag isip isip ko na ang tanga tanga ko talaga dahil naghintay ako nang ilang taon bago ko narealize na kahit kailan hindi ako magagawang mahalin ni Randy. Kaya ngayon panahon na naman na ang sarili ko naman ang mamahalin ko. At nagpapasalamat ako kay Hector na tinutulungan niya akong makakamove on sa nararamdaman ko kay Randy.
Randy pov. Hindi ko matanggap ang mga sinabi ng ugok na iyon. "Hindi pwedeng hindi na ako mahal ni Sherlyn,hindi ko matanggap na may iba na siyang mahal". Ako lang dapat ang nagmamay-ari sa kanya,ako lang". Sabi ko sa sarili ko. Gagawin ko ang lahat para mahalin ulit ako ni Sherlyn. Kung kailangang kunin ko siya sa mabilis na paraan gagawin ko,makuha ko lang siya. Pumunta ako sa bar ng pinsan ko. Pagdating ko sa loob nakita ko ang pinsan kong umiinom mag isa. Parang pareha kami ng problema babae. " Insan, bakit mag isa kang uminom? tanong ko sa kanya. " Alam mo insan, ngayon ko lang naramdaman ito sa isang babae. Kung dati ako ang hinahabol niya,ngayon naman hindi na niya ako pinapansin at wala na siyang pakialaman sa akin insan. Parang pinipiga ang puso ko nang makita ko siyang may kasamang iba,insan hindi ko kaya parang gusto ko ng mamatay para matapos na ito,kaysa mapunta siya sa iba".sabi ng pinsang kong si Andy. Tumabi ako sa kanya at uminom na rin ako. Gusto ko ring magpakalasing. Para makalimot sandali. "Inom tayo insan hanggang sa tayong malasing" sabi ko sa kanya. " Bakit insan may problema ka rin sa babae? tanong ni Andy. " Oo, insan dati kasi hinahabol habol niya rin ako,pinapahiya ko nga siya lagi kasi wala naman talaga akong nararamdaman sa kanya". Ewan ko kung kailan hindi na niya ako pinapansin saka ko lang narealize na mahal ko na pala siya". Sagot ko kay Andy. " Alam mo insan,pareho pala tayo ng problema" sabi ni Andy sa akin. "Ano kaya dapat nating gawin para mahalin ulit nila tayo? Tanong ni Andy sa akin. "Ewan ko insan, pero hindi ako susuko gagawin ko ang lahat para mahalin ako uli ni Sherlyn". Sagot ko kay Andy. "Ako rin gagawin ko ang lahat para mahalin ulit ako ni May. Sagot naman ni Andy sa akin. "Teka, May ang pangalan ng babaeng gusto mo?tanong ko kay Andy. "Oo,si May Baltazar ang babaeng,habol ng habol sa akin noon. Pero wala na siyang pakialaman sa akin ngayon"sagot naman ni Andy. "Talaga insan kasi si Sherlyn at May Baltazar ay matalik na magkaibigan" sabi ko kay Andy". Nagulat rin si Andy,si May pala ang mahal ni Andy. Maliit talaga ang mundong ginagalawan namin. "Sige insan uwi na ako mag iisip pa ako ng paraan kung paano ko makukuha si Sherlyn" paalam ko kay Andy. "Sige insan goodluck na lang sa ating dalawa. Sherlyn pov: Andito ako ngayon sa canteen. Mag isa lang ako ngayon dahil wala si May hindi pumasok ewan ko sa babaeng yun bakit madalas absent siya. Nakita kong papasok sila Robe magkasama sila Randy. Lumapit silang dalawa sa akin. Tumabi sila ng upo si Robe sa tabi ko umupo si Randy umupo sa harapan ko. Tiningnan ko si Randy titig na titig siya sa akin. Hindi naman siya ganito sa akin nuon. Bakit ngayon parang gusto niya akong kainin ng buhay. Dinedma ko si Randy. "Hi! Robe, date tayo bukas Sabado wala tayong pasok" sabi ko kay Robe. "Sige, ba nood tayo
ng sine, sagot ni Robe sa akin.
"Aray, ano ba brod bakit mo sinipa ang Paa ko? Tanong ni Robe kay Randy. " Diba,hindi ka pwede bukas dahil may lakad ka? Sabi ni Randy kay Robe. " Sandali lang Sherlyn ha kausapin ko muna si Robe." Sabay hila kay Robe. Nang bumalik na sila. " Sorry, Sher May lakad nga pala ako bukas". Sabi ni Robe sa akin. "Ako na lang bakante ako bukas kahit saan mo gusto pumunta sasamahan kita" sabi ni Randy sa akin. Hindi ko siya pinansin hindi ko nga siya tiningnan. " Sa susunod na lang Robe kung wala ka ng lakad" sabay tayo ko at umalis na. Bumalik na ako sa klase ko. Umupo na ako sa upuan ko nang may umupo rin sa tabi ko. Tiningnan ko si Randy pala. Bakit dikit nang dikit sa akin ang taong ito? Akala ko ba ayaw niya sa akin bakit ngayon sunod ng sunod sa akin. Pumasok na ang guro namin. Nagulat ako dahil hinawakan ni Randy ang kaliwang kamay ko. Tiningnan ko siya at kinuha ko yung kamay ko." Sherlyn, pwede ba tayong mag usap mamaya? Tanong ni Randy."Bakit pa? I asked him. "Basta hihintayin kita mamaya sa may gate pagkatapos ng klase"sabi niya sa akin. Hindi ko na siya pinansin. Anong akala niya sa akin madaling mauto. Magdusa siya dahil wala akong planong siputin siya mamaya. Kung anong ginawa niya sa akin ibabalik ko sa kanya. Randy pov. Andito ako ngayon sa may gate hinihintay ko si Sherlyn. Nagtataka ako kasi wala nang tao sa loob ng school namin hindi pa rin lumabas si Sherlyn. Pinagtataguan niya ba ako. Bakit wala pa siya hanggang ngayon. Biglang may tumapik sa likod ko paglingon ko si Robe pala. " Oo brod, sino hinihintay mo diyan"? Wala nang tao sa loob".tanong ni Robe sa akin. "Si Sherlyn hinihinntay ko siya kanina pa ako dito brod" sagot ko sa kanya.Ay! Naku, brod kanina pa siya nakalabas may sumundo sa kanya si Hector mamamasyal daw sila".sabi ni Robe sa akin. Inis na inis ako kasi bakit ngayon ko lang narealize na mahal ko na pala si Sherlyn. Mukhang ayaw na nga niyang makasama ako kahit sandali lang.Sumakay na ako sa kotse ko pinaharurot ko ang kotse ko. Pagdating ko sa bar kumuha ako ng babaeng mag aaliw sa akin ngayong gabi. Andito ako ngayon sa kwarto na nakalaan sa akin. Naghihintay ako sa babaeng mag aaliw sa akin. Bumukas ang pinto tiningnan ko ang babae maganda siya makinis. Naghubad siya sa harapan ko. Sinunggaban ko siya kaagad. Binuksan niya ang zipper ng pantalon ko at nilabas ang ari ko. Hinawakan niya ito at biglang sinubo. Ahh! Ungol ko pero bigla ko siyang tinulak dahil nakikita ko si Sherlyn na umiiyak. "Bakit mo ako tinulak" tanong ng babae. "Lumabas ka na hindi kita kailangan dito alis" sabi ko sa babae. Nang nakalabas na ang babae. Humiga ako hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako dahil hindi ko na alam ang gagawin para makuha ko si Sherlyn. Ngayon lang ako umiiyak dahil sa babae noong si Elaine ang umalis hindi naman ako umiiyak. "Sherlyn,mahal na mahal na mahal kita. Please bumalik ka na sa akin". Bulong ko sa sarili ko. Sherlyn pov. Mabuti na lang at wala si Randy nang lumabas kami ni Hector kanina. Ngayon nandito kami ni Hector sa beach resort nila dito sa Pampanga dahil wala namang pasok bukas. Mag over night kami dito."Sher, selfie tayo",sabi ni Hector sa akin. "Sige ba walang problema doon". Sagot ko sa kanya. Pagkatapos naming mag-selfie ako mismo ang nagpost. Nakangiti ako dahil May sinulat ako sa post ko. Tingnan ko lang kung ano reaksiyon ni Randy sa post ko. Nakayakap talaga ako kay Hector sa picture namin. Hinalikan ko pa ang pisngi niya. Gusto kong makita ng lahat na naka move on na ako kay Randy. Desidido na talaga akong kalimutan siya. Sana lang magtagumpay talaga ako. Gusto kong ipakita sa lahat na wala na akong nararamdamang pagmamahal kay Randy at wala na akong pakialam kay Randy. Ayaw kong manggamit ng tao gusto ko kung sasagutin ko si Hector mahal ko na siya at wala na akong nararamdaman kay Randy. Para naman hindi na mag aalala ang mga magulang ko sa akin. Simula ng kinausap ni Randy ang daddy ko galit ang nararamdaman ko sa kanya ngayon. Randy pov: Hindi ko alam ang gagawin ko para makuha ko si Sherlyn. Ngayong nandito ako sa canteen ng skwelahang pinapasukan ko. Nakita ko si Sherlyn alam ko nakita niya ako pero deadma lang siya at wala na talaga siyang pakialaman sa akin. Tumayo ako at pumunta sa cr kasi hindi ko na talaga kayang makita siya na walang pakialaman sa akin. Kung tingnan niya ako parang hindi niya ako kilala. Pagdating ko sa CR sinarado ko kaagad ang pinto. Tumulo ang luha ko hindi ako iyakin na tao pero ngayon kailangan ko talagang iiyak to para naman maging magaan ang pakiramdam ko. Mga isang oras ako dito sa cr. Lumabas na ako at tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Maga ang mga mata ko sa kaiiyak. Medyo okay na pakiramdam ko pero andito pa rin ang sakit lalo na dito sa dibdib ko. "Pinapangako ko Sherlyn, makukuha kita at hinding hindi na kita pakakawalan pa ulit". I promised to myself. Nakasalubong ko si Sherlyn. Hinila ko siya kaagad. Andito kami ngayon sa may likod ng canteen walang tao kami lang."Ano ba Randy? Bakit mo ako hinila? Anong gagawin natin dito?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Niyakap ko siya kaagad." Please bumalik ka na sa akin,babe" sabi ko sa kanya." Anong gagawin natin dito?" Sunod-sunod na tanong niya sa akin. Niyakap ko siya kaagad." Please bumalik ka na sa akin,babe" sabi ko sa kanya." Anong pinagsasabi mo dyan?" Anong babe? Anong bumalik? Bakit ako babalik sa'yo? Sa pagkakaalala ko ayaw mo sa akin. Bakit ngayong inaangkin mo na ako? Sorry to tell you this. I'm not in-love with you anymore". Sabi niya sa akin. Para akong binuhusan ng tubig. "Please,please huwag mong sabihin 'yan mahal na mahal mahal kita.please mahalin mo ako ulit pinagsisisihan ko na ang mga sinabi at ginawa ko sa noon. Please babe mahalin mo ako ulit please". pagmamakaawa ko sa kanya. Hindi ko siya binitawan yakap yakap ko siya.ayaw ko siyang pakawalan kahit nagpupumiglas siya para makawala. Hinalikan ko siya sa labi huminto ako kasi umiiyak siya,"Hindi na kita mahal at pinagsisisihan ko kung bakit ikaw pa ang minahal ko". Tiningnan ko siya lumayo ako ng kaunti at lumuhod ako sa kanya. Handa ko gawin ang lahat para mahalin niya lang ako ulit. Nakayuko ako at nakapikit umiiyak ako sa harapan niya nagmamakaawa. "Please Sherlyn bigyan mo ako ng isang pagkakataon". Nagulat ako dahil pagdilat ko wala na siya sa harapan ko. Lalo akong nasaktan dahil iniwan niya akong nakaluhod dito. Wala na talaga siyang pakialam sa akin. Tumayo akong bigo dahil hindi ko kayang tanggapin na hindi na niya ako mahal. Umalis ako at lumabas ng eskwelahan namin at sumakay sa kotse ko at pinaharurot ko ito papuntang bar. Umiinom ako gusto ko mawala ang sakit ng nararamdaman ko. Paano ko kaya makukuha si Sherlyn.Hindi na ako gumamit ng baso uminom ako sa bote mismo habang umiinom ako ng alak tumulo ang luha ko hindi ko talaga matanggap na wala siyang pakialam sa akin. Masakit na masakit dito sa dibdib ko sana hindi ko siya pinahiya no'n. At mas maaga ko sanang malaman na mahal na mahal ko siya. Umiikot na ang paningin ko dahil lasing na lasing na ako." Sherlyn babe huwag mo akong iwan please come back to me babe" iyak kong sabi sa sarili ko. "Mahal na mahal na mahal kita Sherlyn babe bumalik ka na sa akin. Hindi ko kayang wala ka sa tabi ko huhuhuhu babe". Wala akong pakialam kahit sino pa makakita sa akin dito na umiiyak. "I love you very very much Sherlyn". May pov: Andito ako ngayon sa bar niya nag-disguise ako para hindi niya ako makikilala. Nakita ko si Randy lasing na lasing na siya. Nakita ko at narinig ko ang mga binubulong niya na mahal na mahal niya ang bestfriend ko. Buti pa si Sherlyn iniibig na siya ng lalaking pinakaiibig niya samantalang ako kahit anong gawin ko ay hindi ako magawang mahalin ni Andy. Sana darating ang panahon na mamahalin din ako ng taong mahal na mahal ko. Hindi ko pa nga nasasabi kay Sherlyn na pareha kaming May gusto sa lalaking hindi kami gusto. At pareha kaming laging pinapahiya ng taong aming iniibig dahil hindi nila kami magawang magustuhan. Noong lagi kong sinasabi kay Sherlyn na huwag na niyang ipagpilitan ang sarili niya kay Randy. Pero ang totoo ako din ay may gusto sa lalaking walang gusto sa akin. Nakita ko si Andy na lumapit kay Randy. Nagmamadali akong umalis baka makilala ako ni Andy. Nilingon ko sila Andy at Randy nag iinuman na silang dalawa. Kailngan ko nang umalis para makalayo na sa lugar na ito. Kung saan ako dadalhin ng kapalaran ko. Doon ko bubuuin ang sarili ko kasama ng anak ko na nasa sinapupunan ko. Ayaw kong malaman niya nagbunga ang minsang pagtatalik namin. I am sure hindi niya malalaman dahil lasing siya nang may mangyari sa amin. Maligaya ako para sa bestfriend ko,sana rin ay magtagumpay si Randy na paibigin niya si Sherlyn. Andy pov: Kararating ko lang dito sa bar na pag aari ko,nakita ko si Randy dito lasing na lasing na siya. Bumubulong pa siya habang umiiyak na mahal na mahal na mahal niya si Sherlyn. Pareha kami ng problema sa babaeng mahal namin. "Insan, kanina ka pa rito lasing na lasing ka na"? Tanong ko sa kanya. Hindi ko siya kayang pahintuin sa pag inom niya dahil gano'n din ako dinadaan ko sa pag inom ng alak ang problemang hinaharap ko ngayon. Naiintindihan ko si Randy dahil ako din hindi ko kayang tanggapin na wala nang pakialaman si May sa akin. Kung sana mas maaga ko na realize na mahal ko din siya. Siguro ngayon masaya kami ni May. Umupo ako at umiinom rin ng alak dahil gusto kong makatulog kaagad na hindi ko na iniisip si May. Sobrang miss na miss ko na siya. Kahit saan ko na siya hinanap. Pero hindi ko siya nakita. May gusto akong malaman sa kanya. Kasi para talagang totoo na nakatalik ko siya dalawang buwan na ang nakalipas. Hindi ako kumbinsido na panaginip lamang iyon. Dahil pagkagising ko kinabukasan hubo't hubad ako sa ibabaw ng kama ko sa akong condo. Laging pumapasok sa isip ko na may nakatalik ako na babae. Noong una hindi ko pa masyadong nakikita ang mukha ng kasiping, pero nitong mga dalawang linggong nakalipas mukha ni May ang nakikita kong katalik ko,kaya gusto ko siyang makita para matanong ko kung totoong nangyari iyon. Pero hanggang ngayon hindi ko pa siya nakikita. "Sige,insan magpakalunod tayo sa alak hanggang sa tayo ay makatulog sa kalasingan". Hindi ko na mabilang kung ilang beses ako umiiyak dahil sa kanya. "Mahal na mahal na mahal kita May. Bulong ko sa sarili ko. Sherlyn pov: Andito ako ngayon sa loob ng room ko. Tiningnan ko ang cp ko. Tumawag si Hector. "Hello! Sagot ko sa cp ko. "Hi! Sher, bakante ka bukas pasyal tayo ulit? "Sige, Hector sunduin mo ako sa bahay bukas ha. Sagot ko sa kanya. Nilingon ko si Randy. Nagtataka ako sa taong ito. Hindi naman siya ang katabi ko sa upuon. Tiningnan niya ako." Sasama Kana naman sa Hector na iyon? Tanong niya sa akin. "Anong pakialam mo sa akin? Wag kang makikialam sa buhay ko. Kahit sino ang sasamahan ko labas ka na doon". "Please Sher,babe huwag mo namang gawin sa akin ito". Pagmamakaawa niya sa akin. "Please, babe mahalin mo na ako ulit" pinagsisisihan ko na ang mga sinabi at ginawa ko sayo noon." Maawa ka sa akin babe,mahal na mahal na mahal kita". Huwag kang sumama sa kanya hindi ko kayang mawala ka sa akin babe". pagmamakaawa ni Randy sa akin. Ewan ko pero hindi ako naaawa sa kanya. Galit galit ang nararamdaman ko ngayon sa kanya. Siguro dahil sinagad niya at sinayang niya ang pagmamahal ko sa kanya noon. Tumayo ako at lumabas ng classroom namin. Pumunta ako sa cr. Doon ko inilabas ang inis at galit ko kay Randy. Bakit ngayon madali lang sa kanyang sabihin na mahal niya ako samantalang dati ni hindi niya nga ako matingnan sa mata. Nandidiri siya sa akin dati. Tapos ngayon mahal niya daw ako. Imposibleng mahal niya ako. Bahala siya sa buhay niya. Randy pov; Masakit na masakit ang ulo ko. Bakit ako nandito naaalala ko nasa bar ako ni Andy. Andito na ako ngayon sa kwarto ko. "tok,tok,tok. May kumatok sa pinto."Sino,iyan? tanong ko. "Anak,ako ito". "Pasok,mom, sagot ko. "Anak, may problema ka ba? tanong ng mommy ko. Hinatid ka dito kagabi ng pinsang mong si Gabby. Lasing na lasing daw kayong dalawa ni Andy" sabi ni mommy sa akin. "Anak gusto mong pag usapan natin ang problema mo? tanong ni mommy sa akin. "Mom, ngayon ko lang naramdaman ito sa isang babae". Noon lagi niya akong kinukulit walang araw na hindi niya pinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal". Kahit pinapahiya ko siya sa maraming tao,hindi siya sumusuko at palaging niyang sinasabi sa lahat na mahal na mahal na mahal niya ako,mom". Pero ngayong na realize ko na mahal na mahal ko siya". Wala na siyang pakialam sa akin".sabi ko kay mommy. "Anak, kung talagang mahal mo siya hinding hindi ka susuko at handa kang gawin ang lahat para mahalin ka niya ulit. Siguro masyado siyang nasaktan sa mga panghihiya mo sa kanya anak". Ngayon ipakita mo sa kanya na handa kang magtiis,maghintay at gawin ang lahat ng paraan para mahalin ka niya ulit". sabi ni mommy. "Tama ka mom, handa kong tiisin lahat kahit ipagtabuyan niya pa ako. Hinding hindi ako susuko". "Salamat mom sa pangangaral mo sa akin". Pasalamat ko kay mommy. "Sige,anak bumangon ka na diyan at kakain na tayo". "Maliligo po muna ako mom, bababa na ako ngayon.sagot ko kay mommy. Pagkatapos kong naligo bumaba na ako at kumain na ako. Pupunta ako ngayon kina Sherlyn. Sana tanggapin niya ako. Pagdating ko kina Sherlyn napahinto ako,nakita ko siyang pumasok sa isang kotse. "f***s,bakit kasama na naman niya ang lalaking iyan?tanong ko sa sarili ko. Boyfriend na ba siya ni Sherlyn? Hindi pwedeng mangyari ito? Kailangan ko ng gumawa ng paraan. Para makuha ko siya ulit. Sinundan ko sila at dito sila pumunta sa may mall. Dahan dahan ang pagpasok ko para hindi nila mahalata na sinundan ko sila. Papunta sila sa sinehan. "Hindi,hindi pwede ito". Umalis ako kaagad,dahil hindi ko kayang makita na magkasama sila sa loob ng sinehan. Mamatay ako sa selos. Baka makapatay ako ng tao. Kaya umalis na lang ako.Pumunta ako sa bar ng pinsan kong si Andy. Pagdating ko nakita si Andy na umiinom. Lumapit ako sa kanya. "insan ang aga niyan ha sana tinawagan mo ako para dalawa tayong umiinom ngayon" sabi ko sa kanya. "Alam mo insan dito ko na lang dinadaan sa alak ang problema ko. Baka makapatay ako insan" sagot niya sa akin. "Hindi ko kayang nakikita siya na may kasamang ibang lalaki insan," sabi niya sa akin. "Pareho lang tayo insan" para akong sinaksak pagnakikita kong may kasamang ibang lalaki si Sherlyn, lalo na't nalaman ko na ang lalaking kasama niya ay nililigawan siya. Sobrang sakit insan" sabi niya sa akin. Hector pov: Kanina pa ako ngumingiti habang nagmamaneho alam kong siya iyang sumusunod sa amin ngayon. Tingnan ko lang kung di siya mamatay sa selos. Kinausap niya ako noong isang linggong pumunta ako sa eskwelahan nila Sherlyn nakiusap siya sa akin na ibalik ko sa kanya si Sherlyn. Pero hindi ko siya susundin gusto kong pahirapan muna siya sa pagkuha kay Sherlyn. Noong una talaga seryoso akong ligawan si Sherlyn kaso noong kinausap na ako ni Randy narealize ko rin na mahal na mahal niya talaga si Sherlyn. Pero gusto ko siyang pahirapan nang gayon ay hinding hindi na niya pakakawalan si Sherlyn. Andito na kami ni Sherlyn sa loob ng sinehan nakita ko si Randy na tumayo at lumabas siguro hindi niya kayang makita na May ibang kasama ang babaing mahal niya. "Hahaha, Hindi ko napigilan ang sarili kong tumawa. "Bakit, natatawa ka diyan Hector? Eh! Hindi naman nakakatawa ang palabas engot ka talaga.tanong ni Sherlyn "Wala,sagot ko sa kanya. "Manood na tayo sabay pisil ko sa pisngi niya. Tapos na ang palabas na pinanood namin. Andito kami ngayon sa Jollibee kumakain kami. "Sher, May tanong ako sa'yo sana ay sagutin mo ako ng totoo."sabi ko kay Sherlyn. "Ano,iyon? tanong ni Sherlyn. "Mahal mo pa ba si Randy? I asked her. Matagal siya nakasagot,nakayuko siya kaya diko makita ang reaksiyon niya. "Ang totoo, Hector,mahal na mahal ko pa si Randy,pero galit ang nangingibabaw dito sa puso ko. Hindi ko alam kung paano mawawala ang galit na ito. Siguro panahon lang ang makapagsasabi ewan ko Hector". Sabi ni Sherlyn sa akin. "Sundin mo ang puso mo Sherlyn para maging masaya ka hayaan mo tutulungan kita. Ipaubaya mo sa akin ang lahat".Sabi ko sa kanya. Alam ko mahal na mahal na mahal ka ni Randy. Nakikita ko kung ang mga reaksiyon niya at pagseselos niya. Liligaya ka rin sa taong mahal mo.bulong ko sa sarili ko. "Sige, na hatid na kita sa inyo.sabi ko sa kanya. Sherlyn pov: Andito ako ngayon sa kwarto ko at inaalala ko ang mga sinabi ni Hector sa akin kanina. Oo totoong mahal ko pa si Randy,pero may galit din akong nararamdaman sa kanya ngayon. Napag isip isip ko na kung talagang kami talaga ang nakatadhana sa isa't isa kahit harangan pa kami ng kahit sino ay kami talaga ang magkatuluyan. Kaya hahayaan ko na lang ang tadhana kung ano ang dapat na nakatakdang mangyari. Sana lang siya ay para sa akin,at ako'y para sa kanya. Hahayaan ko munang mawala ang galit at sakit na aking nararamdaman ngayon. Samantalang hindi na malaman ni Randy kung ano dapat gawin para mapatawad siya ni Sherlyn. Randy pov. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon, hindi ko kayang tanggapin na hindi na ako mahal ng babaing, kung tutuusin ay mahal na mahal ako noon. Kung sana maibabalik ko lang ang panahon ay hindi ko na sana pinapahirapan si Sherlyn. Naaalala ko pa noon kung paano niya ipinapakita sa lahat kung gaano niya ako kamahal.Kaya kailangan ko ring ipakita sa lahat na sobrang mahal na mahal ko siya.Mag iisip ako nang paraan kung paano ko suyuin si Sherlyn. Kinabukasan maaga akong nagising at naligo ako at nagbihis.Pupunta ako sa opisina ng daddy ni Sherlyn. Makikiusap ako sa kanya at magpapatulong sa kanya para mahalin ako muli ni Sherlyn. Sana ay mapatawad at matulungan ako ng daddy ni Sherlyn. Nandito na ako ngayon sa loob ng opisina ng daddy ni Sherlyn. Pinapasok ako ng secretary ng daddy ni Sherlyn. "O, Randy anong ginagawa mo dito sa opisina ko, bakit ka napadpad dito?" tanong ng daddy ni Sherlyn." Tito, kaya po ako nandito dahil may kailangan po ako sa inyo." sagot ko sa daddy ni Sherlyn. " Tungkol saan ba iyang kailangan mo sa akin."? tanong ulit ni Tito sa akin. "Tito, kung noon kayo ang nakiusap sa akin para mahalin ko si Sherlyn, ngayon naman Tito, ako naman ang makikiusap sa inyo na tulungan niyo po akong mahalin ulit ako ng anak niyo."sagot ko kay Tito.
"Sige, na po Tito" sabi ko sa kanya, Maawa po kayo sa akin Tito ngayon ko lang po narealize na mahal ko na po pala ang anak niyo" dagdag pakiusap ko sa kanya. " Ayaw na po akong pansinin ni Sherlyn, Hindi na po daw niya ako mahal," sabi ko pa ulit. " Sa bagay na ' yan Randy tanging ang anak ko lang ang makapagdesisyon." sabi ni Tito sa akin. Lumabas ako ng opisina na laylay ang balikat ko.Parang nawalan ako ng pag asa kay Sherlyn dahil ayaw akong tulungan ng daddy niya." Pero hindi ako susuko" bulong ko sa sarili ko.
'Gagawin ko ang lahat ng paraan para lang mahalin ako ulit ni Sherlyn" bulong ko sa sarili. Nandito ako sa labas ng bahay nila Sherlyn. Nakaupo lang ako dito sa loob ng kotse ko habang tumitingin tingin, nagbabakasali na makikita ko si Sherlyn dito. Nakita kong may kotse na huminto sa labas ng bahay nila Sherlyn nang tingnan ko ay nakita ko na bumaba si Sherlyn mula sa kotse,at nakita kong inakbayan siya noong lalaking nagpunta rin sa school namin at hinanap siya. At kumain pa sila sa canteen namin sa school. Sobrang selos na selos ako lalo na nang nakita kong hinalikan siya noong lalaki. Gusto kong patayin sa bugbog ' yung lalaki. "Hindi Ako papayag na Basta na Lang Ako kakalimutan ni Sherlyn"bulong ko sa Sarili. Sobrang mahal na mahal ko Siya. Lahat gagawinnko mamahalin Niya Lang ulit Ako. Kaya Lang Hindi ko na alam Ang gagawinnko paraabalik Ang paamahal Niya sa akin.