Scratch 3

1829 Words
Scratch 3   Tahimik na nakaupo sa kanyang upuan si Charlotte. Iniisip niya pa rin hanggang ngayon ang kanilang mga papel na ni-reject ni Ma’am Estrella. Hindi siya makakapayag na mauwi sa wala ang kanyang pinaghirapan nan’dahil lang sa isang mababaw na rason. Pagkatapos niyang pagpuyatan ang assignment na iyon? Di bale, naniniwala siyang ang bawat problema ay may solusyon. Walang sukuan! Aja! Fighting! Tlok. Tlok. Tlok. Pinatigil ng pamilyar na mga yapak ang kanyang mga naiisip. Sa tunog palang ng takong na humahampas sa sementadog sahig ng kanilang classroom, alam na niyang si Ma’am Olivia iyon- ang sexy nilang guro sa MAPEH na mukhang Bratz na nag-anyong tao at pinatino. Pakembot-kembot itong naglakad papunta sa teacher’s table na nasa harapan at pagkatapos ay inilapag ang dala-dalang mga gamit. Kapansin-pansin ang kulay pula niyang mga labi na bumagay sa simple niyang make-up. Kahanga-hanga ang paraan niya ng pagdadala sa sarili. Dalagang pilipina siya kung kumilos, at balingkinitan rin ang katawan kaya hindi halata na mayroon na siyang tatlong anak. “Good morning cless.” panimulang bati niya sa lahat habang inilalabas ang puti niyang ngipin at ang kanyang dimple. Medyo slang talaga siya magsalita ng English at laging nakangiti. Sinagot naman ng mga estudyante ang pagbati at naupo. “So, today, we will be talking about Visual Arts. Anong alam niyo tungkol sa visual arts? What comes into your mind when I say, visual arts? Yes, Mr. Catapay?” Tumayo si Ryan at sumagot. “Ah, kapag po visual arts, parang arts na 2D? Iyong sa mga drawing lang po at papel. Yun po.” “Hmm. Some more? Anyone?” Napansin nina Andy at Ark na tulala si Sigmund. Nakakatawa dahil mukha siyang tanga. At dahil loko-loko ang kambal, itinuro nila ang nananahimik na si Sigmund. “Si Sigmund daw ma’am!” “Ha?” Inosenteng sabi ni Sigmund na mukhang nabigla. “What is visual arts for you, Mr. Yanson?” Wala sa sarili pa siyang tumayo. “Uhmm….” Tumingin pa siya sa kisame habang nag-iisip. Wala siya sa wisyo ngayon. Tinatamaan na siya ng antok dahil sa pagpupuyat kagabi. Tinapos niya pa ang assignment nila ni Andy. “Bilis! One!” Binilangan siya ni Julian. “Two!” At nakiduet na rin si Blue. Umikot ang mga mata ni Sigmund sa taas ng kisame. Bumaba sa chalkboard, pabalik sa kaliwa saka kumanan sa mga naghihintay na mga kaklase, hanggang sa gitna kung saan naroon si ma’am na nakataas ang dalawang kilay at nakangiting nag-aabang sa mga ideya niya. “Vi- visual a-arts is, is the… the ano… ahh..” May gustong sabihin ang kanyang dila ngunit hindi maproseso ng utak niya ang eksaktong mga salita at pangungusap. “Three!” “Shhh!” Sinuway sila ni Vanny. Hirap na hirap na nga ito sa pag-iisip ng maisasagot at pagkatapos ay masyado pa nilang dinidistract ang tao. Parang gusto silang kutusan ni Vanny, kung hindi lang talaga niya kailangang magpasensya bilang class president. “Go, kaya mo ‘yan,” bulong nina Lexie at Charlotte. Public Speaking ang isa sa mga madalas salihan ni Sigmund sa mga school, events. Kitang-kita ang kagalingan niya sa pagmemorize at pagdeliver ng mga salita sa mga recitations, at reportings. Pero pressure ang kahinaan niya. Kapag nakakaramdam siya ng pressure ay natataranta siya at nauutal-utal. Alam naman iyon ng buong klase, kaso talagang mga trippers ang grupo nila Julian, Blue, Andy, at Ark. Ginagamit nila ang impormasyon iyon para gawing katuwaan ang isang tao, at ang malas na main target palagi ay si Sigmund. Bakit siya? Dahil masyado siyang mabait. Dahil masyado siyang maasahan. Masyado siyang matulungin at inosente. Ang mga ganoong klase ng tao ang madaling kawawain. Nakakaramdam naman ng awa ang mga kaklase niya- kabilang na roon si Charlotte. Sa buong tatlong taon nilang magkakasama sa classroom, naging mabait siyang kaklase. Laging tumutulong, madaling lapitan, maaasahan. “Sit down, Mr. Yanson.” Pinagsabihan naman sila kaagad ng guro. “If someone is speaking, have some manners and respect.” “Sorry ma’am.” sabi nina Julian at Blue. At ang lokong kambal, pasikretong tinawanan ang dalawa. Syempre, dahil hindi papahuli sina Julian at Blue, gumanti rin sila sa pamamagitan ng pabulong na pagmumura. “Tangina niyo.” “Pakyu.” Disappointed na pinanood lang sila ni Charlotte. Eh kung bigyan ko na lang kaya kayo ng boxing gloves? Napailing na lang rin siya. Boys. Nagpatuloy ang discussion hanggang sa tumunog na ang bell. Naghabilin na lamang si Ma’am Olivia na magdala ng Drawing Book, lapis, at eraser para sa susunod nilang activity. “Ano ba naman! ang mga scratch papers, tinatapon sa basurahan, hindi iniipit sa upuan! Para na tayong pabrika ng papel dito, ha.” Highblood na naman si Ryan. Napakaraming lilinisin sa kanilang classroom. Nagmamadali pa naman siyang makauwi sa bahay nila para makatulong na sa mga gawaing bahay, pero mukhang malabo na iyon. Hindi niya pwedeng iwan ang classroom nila ng ganito lang. Ilang cleaners na ang nagdaan pero wala man lang may naglinis nang matino. Maka-erase ng blackboard at makapagwalis lang ay okay na? Lalayas na kaagad? Hindi pwede iyan kay Ryan. Sa wakas ay natapos na rin ang kanilang last period. Oras na para magsilinis ang mga mga nakatokang cleaners sa araw na ito pero lumayas muna si Charlotte papuntang Science Department- ang faculty room ng mga science teachers.Hindi na siya nagpaalam dahil beshy-wap naman sila ng leader nila. Habang naglalakad papunta sa Science Department, napansin ni Charlotte ang isang batang lalake na nakaupo sa labas ng room nila. First year yata. Nakatitig siya kina Andy at Ark habang kausap si Sigmund sa Heroes’ park. Nagkibit-balikat na lamang siya at hinayaan iyon. Baka kapatid lang ng isa sa mga kaklase niya. Marangal, Mabait, Mahinhin na estudyante, ON. Malakas ang kabog ng diddib niya. Ito na ang paghuhukom. Dalangin niya, sana ay tanggapin ito ng kanyang guro. Tatanggapin kaya niya? Ang sagot, sa pagbabalik ng, The Buzz! Charot lang. Idinadaan na lamang niya sa pagbibiro sa kanyang isip ang kabang nararamdaman.   “Good afternoon po ma’am. Andyan po ba si Ma’am Estrella?” tanong niya sa isang teacher. “Ma’am Sherry? May naghahanap sa’yo.” “Yes, Charlotte? Ano yun?” “Uhmm,” kungyari nahihiya niyang wika. Sinusubukan niyang magmukhang magalang at humble hangga’t maari. ”Ipapasa ko sana po ulit yung output namin. Sorry po maam. Nire-write na po namin yan. Ayos na. “ Para naman siyang nabunutan ng tinik nang tanggapin ni Maam Estrella ang kanilang mga papel. Laking pasasalamat niya kahit na mayroon ng minus five ang bawat papel. Ang mahalaga, tinanggap iyon ni maam. At least hindi itlog ang score nila sa activity at nabigyan ng hustisya ang kanyang eyebags. Ang mga loveletters! Mabuti na lamang at naalala niya ngayon. Pinuntahan niya sina Andy at Ark para ibigay ang mga sulat at card. As usual ay tinanggap naman ito ng dalawa. Pagkatapos gawin ang mga dapat gawin, masaya niyang binalikan ang naiwang tungkulin bilang isang cleaner. “Saan ka na naman ba galing, Charlotte Diane Escovidal? Bakit ngayon ka lang sumulpot?” “Hehe. Peace beshywap! Labyu” sabi niya habang nakapeace-sign at nakanguso. “Nanggaling ako sa Science Department. Nagpasa ako ng activities namin.” “Yuck. Tumigil ka nga diyan! Magwalis ka na lang sa Heroes’ Park. Bunutan mo na rin ng mga damo.” “Ang OA!” Tinawanan na lamang niya ang kaibigan. Alam naman niyang hindi showy si Ryan. Hindi naman siguro ito bakla pero ayaw niya lang magpakisss o magpahug man lang sa kahit na sino. Napatakip siya ng tainga. Tagos hanggang cochlea yata ang mga sigaw at pagmumura ng grupo nina Ark at Andy. Dito naman sa Heroe’s Park ang naging gaming place ng apat na itlog. Nabawasan ng isa dahil may date si Sharry at si Julian. Bumabawi ang mokong dahil nagtatampo na si Sharry. Inaagaw na ng laro ang atensyon ng baby loves niya. Mas sexy ba talaga ang mga game characters kesa sa kanya? Eh, labas dede lang naman ang mga iyon, eh. Pero, at least, sila meron. Bumalik muna siya sa classroom para kumuha ng mga gamit panglinis at basurahan. Aayusin rin sana niya ang mga gamit para ready na siyang umuwi pagkatapos maglinis mamaya. “Pota akin na ang two hundred ko!” sigaw ni Andy Blue stomped his right foot. Talo na naman sila sa pustahan. “Hoo! Two hundred, here we go!” Francis also exclaimed. Dalawa na sila ni Andy na nakalahad ang mga palad. May pa-sayaw-sayaw pa ang mga daliri sa mabilis na up and down motion habang nakangising aso. “Gago, ikaw kasi!” singhal ni Ark kay Blue. “GG, anong ako? Ikaw nga ‘tong hineal na pero parating re-spawn. Sugod nang sugod mag-isa, alam mong assassin yang si Francis!” “Puro ka heal! Ilan ba napatay mo?!” “Woaaaah!” “Oy, two hundred namin! Ano na!” paniningil ni Francis. Padabog na naglabas ng isang daan si Blue. Ang makapal niyang kilay, parang naging sungay habang isinusuot ang backpack. Walang paalam siyang umalis. Tawa naman nang tawa ang mga naiwan, maliban sa mga badtrip na natalo. Panay ang isip saan sila nagkulang, at paano makakabawi o kung paano rin sila “nadaya”. Sa loob-loob, sinisisi ang mga ka-duo dahil hindi magaling. Bobo maglaro. “Booo! Uwi na ang talo?” tanong ni Andy. “Okay lang yan, bawi ka ‘tol, pagbigyan ka namin!” pahabol pa ni Francis. Matapos non, nagsipag-uwian na rin ang tatlong itlog. Nang-aasar pa rin hanggang pag-uwi si Andy. Hindi rin papadaig ang kakambal niya. Kumuha siya ng walis tingting at dustpan saka bumalik sa Heroes’ Park na tinatambayan kanina lamang nina Andy at Ark. Mukhang nakauwi na ang mga ito. Sinimulan niyang walisin ang mga kapiraso ng papel na nakakalat sa damuhan. Mga stationary ito na pinunit at may heart na disenyo. Pakanta-kanta pa siya dahil sa ganda ng mood niya ngayon. It only took one bomb to wipe away her smile, to erase her happiness. Napatigil siya sa pagwawalis. Pinulot niya ang mga piraso at pinakatitigan ito nang matagal. ‘Dear Ark—' yun lang ang nabasa niya sa kakarampot na piraso ng stationary na pinunit. Napasquat na upo siya sa damuhan. Tumigil ang mundo niya nang siya’y may napagtanto. Ito ang… Ang mga sulat… Hindi… Huwag mong sabihing pati ang mga regalo? So, ganito pala ang ending ng mga sulat at regalong hinahatid niya? Lahat, ‘yon? Nalaglag ang kanyang panga habang kusang pumasok sa isip niya kung gaano karami ang lahat ng mga sulat at regalong pinahatid sa kanya sa loob ng tatlong taon. Ang mga sulat na iyon ay hindi lang basta sulat. Corny na kung sa corny pero espesyal ang mga iyon dahil isinulat ito nang buong puso. Ginugulan ng effort at oras. Pinagkagastusan at pinag-isipan. Pero itinapon? Pinunit? Panghihinayang. Sakit. Iyan ang nararamdaman niya sa ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD