Chapter 2

714 Words
'Cause it's you and me and all of the people with nothing to do, nothing to lose And it's you and me and all of the people And I don't know why I can't keep my eyes off of you         Umiindak indak pa si Jamie habang kinakanta ang ilang lines sa awit na You and Me ng lighthouse na naririnig mula sa earbuds na suot at nakapikit ang mata patungo sa mini store nina Fritzene. She just love music. She can sing kaya nga minsan umaawit siya sa mga events tulad ng debut at weddings. Assistant Event Coordinator din siya ng kanyang Tita Agnes. Iyon ang part - time job niya since gusto niyang kumita on her own.                                  "Ouch!"                                                                  Hindi niya naiwasang masapo ang kanyang noo nang mauntog sa glass door ng tindahan nina Fritzene. Hinampas pa niya ito sa inis. Nagpalinga - linga siya sa pag - aalalang may nakakita sa kanyang katangahan. Kaunti lang naman. Ganoon lang talaga siya pag carried away sa music. Luckily no one is around except for the guy wearing a hoodie jacket, shades and a cap.                                                              'Wow.. feeling winter lang ang peg.'        Hindi niya naiwasang maisip sa outfit nito. Hindi kaya ito naiinitan sa sarili? Mabilis siyang pumunta sa stall ng rice sisig at iniabot sa cashier na si Fritzene.          "Uy, nakasimangot ka na naman diyan? Hindi mahirap hulaan 'yan. Nag - away na naman kayo ni Zeus ano?" Hindi na bago iyon. Palagi namang magka away ang dalawa since birth. Mga bata pa lang sila, once magkita o magkasama ang dalawa, siguradong riot. Lalayo ka na lang upang hindi ka mabingi.         Umikot naman ang mata ni Fritzene. Kinuha nito sa kanya ang P100 na iniabot niya dito at sinuklian siya ng P52. Napangisi siya sa isinukli sa kanya ng dalaga.          "O, labis ng piso. Lugi ka na agad. Huwag ka kasi paapekto Fritz.  Alam mo bang there's a thin line between love and hate? Kaunting - kaunti na lang, mamalayan mo inlove ka na kay Zeus." sabi pa niya sa dalaga habang iniaabot dito ang labis na barya.         "No way!"         Mabilis niyang tinakpan ang kanyang tenga sa malakas na sigaw ni Fritzene.          "Grabe ka naman. Kung maka no way ka diyan. Baka kainin mo sinabi mo?"         Naningkit ang mata sa kanya ni Fritzene habang kinukuha ang rice sisig sa kanya upang painitan sa microwave. Mabilis nitong nailagay sa microwave ang pagkain.         "Sigurado ka bang kaibigan kita?"          "Oo naman Fritzene. Nagpapa alala lang." nagkibit balikat siya habang itinutuktok ang mga daliri sa counter. She's now listening to Tearin up My Heart rock song ng NSYNC.         Ibinigay nito sa kanya ang kanyang rice sisig. Maya - maya pa'y nakita niya itong umirap. Hindi mahirap hulaan dahil narinig niyang tumunog ang chime pagbukas ng pinto.         'Yes. It's Zeus. Riot na naman.' ***************                  'Ash.. l-lets break up.'         He said it. He did break up with her.          Instead of going home, dumaan na muna siya sa convenience store sa loob ng San Fermin hindi kalayuan sa tahanan nina Ashley. It's over. Tapos na ang ilang buwan din nilang relasyon ni Ashley when he realized that it is Zanjoe. Si Zanjoe ang nasa puso ng dalaga. Simula nang nangibang bansa ang mag - anak na Cruzat, halos hindi maramdaman ni Ashley ang presence niya. Knowing Ashley, she won't take the courage to break up with him kahit hindi na siya nito mahal. She would rather stay than hurt someone. Kaya nag - initiate na siya at nakipagbreak sa dalaga kahit pa ang kapalit noon ay kanyang kabiguan.         He did everything for her. He fought for her. Kahit pa nga ang naging kapalit ay ang pagwithdraw ng suporta sa kanya ng fans ng HughKris Love Team. Solid Hugh stayed ngunit malaking kawalan pa rin ang massive numbers ng HughKris Fans.         Naputol ang kanyang pagmumuni - muni nang makarinig nang malakas na kalabog.          'Ouch.'         Dinig niyang mahinang daing ng bagong dating. She looks familiar. Hindi lang niya matukoy kung saan niya mismo ito nakita. She's beautiful in her own way.          Mukhang baliw lang na hinampas ang sliding door. Hindi niya maiwasang mapailing. People nowadays. Mabilis siyang nagyuko ng ulo nang makitang nagpalinga linga ito sa paligid.          Baka makilala siya nito. Mahirap na. He's not ready to mingle with anyone. Not at this time.  *****************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD