"Wala naman tao"- rinig niya na mahinang sabi ni Oliver at bumalik na lamang ito sa kanyang kwarto at isinara ang pinto.
Dahan dahang sumilip si Penelope sa kanyang pinagta taguan at nakita niya na wala na ang kanyang kuya at pumasok na nga ito sa kanyang silid. Napa buntong hininga siya at lumuwag ng bahagya ang kanyang dibdib. Akala niya ay mali lintikan siya ng ganon kaaga.
Na alala niya na balak nga pala niyang mag kape, kaya't nag patuloy na siya sa pag baba sa hagdanan. Madilim sa baba kaya kumapa kapa siya sa mga gamit at sa sofa hanggang sa maka rating siya sa kusina at kinapa din ang switch ng ilaw doon hanggang sa mag liwanag na sa buong kusina.
Lumakad siya sa may kalan at kinuha ang takure. Nilagyan niya iyon ng tubig at pagka tapos ay isinalang sa kalan at binuksan ang apoy noon. Habang ini init naman niya ang tubig ay kumuha siya ng baso at uminom muna siya mula sa gripo dahil pakiramdam niya ay natuyo ang kanyang lalamunan dahil sa kanyang kuya. Unti unti ay nai isip niya na nawa wala na ang kanyang pagka inosente dahil sa kanyang mga nasa saksihan na gina gawa ng kanyang mga kapamilya.
Habang naka tulala siya sa may lababo ay biglang bumukas ang pintuan ng kanilang bahay. Nagulat si Penelope at dali dali niyang pinatay ang ilaw sa kusina, dahil kung may magna nakaw na naka pasok sa bahay nila ay hindi dapat siya makita noon dahil baka patayin pa siya pag nagka taon.
"Wag ka na nga sabi pumasok, baka makita ka pa nina inay" - narinig ni Penelope ang isang pamilyar na boses.
"Dun lang naman tayo sa kwarto mo ehh di naman ako magi ingay"- tugon naman ng isang tao na may malagong na boses kaya palagay ni Pnelope ay may kasamang lalaki ang kanyang ate. Tama, si Jessa nga ang kakapasok lamang sa bahay, at madaling araw na siya umui, ang nakakapag taka pa ay kung paano at kailan ito umalis gayung nandito naman ang ate niya bago siya matulog. Natatandaan pa nga niya kung paano siya tinakot ng kanyang ate kagabi.
"Huwag na nga, sa susunod na lang! hindi ka pa ba naku kuntento? pinag bigyan ko na kanina ang lahat ng hiling mo"- nai iritang wika ni Jessa.
"Sige na nga! Basta sa susunod papapasukin mo na ako sa kwarto mo ha. Hindi ako papayag na tatanggihan mo ko sa sunod na pag balik ko dito."- wika ng lalaki, mula sa kusina naman ay tumanaw si Peneloepe sa pinto ngunit hindi niya mamukhaan ang lalaki dahil madilim doon sa kanilang pwesto.
Naisip ni Penelope na siguro ay tumakas ang kanyang ate at umuwi ng alas tres ng madaling araw dahil alas kwatro nagi gising ang kanilang ina para mag handa ito sa pag pasok sa trabaho.
"Sige na alis ka na! baka magising pa si inay at mahuli tayo"-pagta taboy ni Jessa sa lalaki at nakita nga ni Penelope na paalis na ito. Isinara naman ni Jessa ang pintuan. Akala ni Penelope ay aakyat na sa taas si Jessa, pero nag lakad ito sa direksyon patungo sa kusina. Kaya nag tago agad si Penelope sa may gilid ng pader, ngunit hindi niya napansin na natakluban nya pala ang switch ng ilaw. Nang kapain ni Jessa ang pindutan ay napa dako ang kanyang kamay sa mukha ni Penelope at napa tili siya dahil sa gulat.
"AHHH MULTO"- sigaw niya at rinig ni Penelope na nadapa si Jessa sa may bandang hagdan kaya't dali dali niyang binuksan ang ilaw upang tulungan ang kanyang kapatid dahil baka nasaktan ito.
Hinawakan niya si Jessa sa kamay para tulungan ito pero kasabay ng pag lingon ni Jessa ay ang pag lipad ng kamay nito pasampal kay Penelope. Napa atras naman bahagya si Penelope at napa hawak siya sa kanyang pisngi. Tumigil naman sa pagwa wala si Jessa ng makita niya na wala naman palang multo at si Penelope lamang ang kinata takutan niya. ''Penelope!?''- wika ni Jessa at napa tayo siya ng matuwid na parang hindi siya natakot kani kanina lang, nais niyang ipakita kay Penelope na hindi siya naapektuhan kanina natakot man lang. ''anong gina gawa mo dito? inaantay mo ba ako?''- mayabang pa na sabi niya sabay ngisi. ''siguro ay guso mong gumanti sa akin dahil sa ginawa ko sayo kagabi?'' pagbi bintang nito at agad naman umiling iling si Penelope dahil hindi naman talagaiyon ang kanyang intensyon.
''Sinungaling!''- sabi ni Jessa at tatayo na sana si Penelope ngunit itinulak sya ulit ni Jessa kaya't napa salampak sya muli sa sahig. ''Ano bang gusto mong iparating? na matapang ka? na kaya mo kong takutin ha? ano bang ipinagma malaki mo? ay pipi ka lang naman, wala kang laban sakin!'' - pagya yabang ni Jessa habang idinu duro duro si Penelope sa may balikat habang ito ay naka upo pa din sa sahig.
Muli namang umiling iling si Penelope bilang pag tanggi sa mga paratang sa kanya ng kanyang ate. Itinaas ni Penelope ang kanyang kamay at nagsenyas ito bilang pag hingi ng paumanhin kung natakot niya ang kanyang ate, ngunit tila bato na yata ang puso ni Jessa, dahil s halip na maawa na siya kay Penelope ay sinampal niya ito sa kabila namang pisngi.
''Hindi mo ko mada daan sa mga pagpa paawa mong ganyan! Wag kang mag bait baitan sa harapan ko dahil naa asiwa ako sa itsura mo''- gigil na sabi pa ni Jessa at hinablot ang buhok ni Penelope. Iimik pa sana ulit si Jessa ngunit narinig nya na sumu sipol na ang takure dahil mainit na ang tubig. ''Ipag timpla mo na lamang ako ng kape at baka lalamig ang ulo ko sayo!''- utos ni Jessa kay Penelope, at habang hawak pa din niya sa buhok si Penelope ay nag lakad siya patungo sa kusina, kinaladkad niya ang kanyang kawawang kapatid sa kusina sa pamamagitan ng pag hila sa buhok nito.
Mangiyak ngiyak naman si Penelope dahil sa sobrang sakit ng gina gawa sa kanya ng kanyang ate.
''Gusto ko ng matamis na kape''-dagdag pa ni Jessa at itinulak niya si Penelope at napa subsob ito sa paanan ng silya. Hindi pa nakutento si Jessa, hinigit niya ang silya sa harapan ni Penelope kaya't tuama iyon sa mukha ni Penelope, at pagka tapos ay doon nag upo si Jessa. Si Penelope naman ay napa hawak sa kanyang mukha, sa parte kung saan tumama ang silya.
''Bilisan mong kumilos diyan Pipi at baka hindi kita matantya''- galit na sabi pa ni Jessa. ''Ang aga aga ay kumu kulo ang dugo ko sa iyo!''-dagdag pa niya. Talagang iritang irita si Jessa dahil nakita ni Penelope ang kanyang pagka takot dahil sa pag aakalang may multo sa kusina. Ini isip niya na naka ganti sa kanya si Penelope at yun naman ang ayaw na ayaw niya. Hindi niya maatim na isipin na may laban sa kanya si Penelope, kaya't gina gawa niya ang lahat para ipa kita sa kanyang kapatid na wala itong kakayahan na gumanti sa kanya sa lahat ng gina gawa niyang pang aapi.
Tumayo naman si Penelope at pinatay ang apoy sa kalan, kumuha ng tasa at nilagyan muna iyon ng kape at asukal mula sa garapon, at pagka tapos ay nilagyan ng mainit na tubig. Nag lakad na siya patungo sa kanyang ate at sa hindi sina sadyang pagya yari ay natapilok siya at natapon sa kanyang ate ang dala dala niyang kape.
''AAAHHH ANG INIT!''- sigaw ni Jessa at tumayo siya para hindi dumikit sa kanyang katawan ang kanyang damit na basang basa ng mainit na kape. ''ESTUPIDA KA TALAGANG BABAE KA!''- galit na galit na sigaw ni Jessa at sinugod nito si Penelope para sampalin ito. Halos ay nabingi naman si Penelope dahil sa lakas ng impak ng pagkaka sampal sa kanya at isa pa ay malapit sa tenga siya sinampal ni Jessa. ''Tatanga tanga ka kasi! napaka simple ng ini uutos ko sa iyo ay hindi mo pa magawa ng tama!''- sabi pa niya at hinalot niya ang buhok ni Penelope. ''Punong puno na ko sa iyo! Mabuti pa ay ipa dala na kita sa impyerno para malaman mo ang paghi hirap naming lahat dahil sa iyo!''- gigil na gigil pa din na sabi ni Jessa sa kapatid, kinaladkad niya muli si Penelope patungo sa banyo na katabi ng kusina.
Marahil ay hindi naisip ni Jessa na matagal ng nabu buhay sa impyerno si Penelope, matagal na niyang ramdam ang paghi hirap sa bahay na iyon habang may kasama siyang mga demonyo na laging nagdu dulot ng pasakit sa kanya. Ganun pa man ay mahal na mahal pa din ni Penelope ang kanyang pamilya, at ipinangako niya sa kanyanf sarili na habang nabu buhay siya ay gagawa siya ng paraan upang makita ng kanyang pamilya ang kanyang halaga, at maramdaman niya ang pagma mahal ng mga ito sa kanya.
''Mamatay ka ng hayop ka!''- sigaw sa kanya ni Jessa at kinaladkad siya palapit sa isang timba na puno ng tubig. Isinubsub niya doon si Penelope, ang kanyang isang kamay ay naka hawak pa din sa buhok ni Penelope at ito din ang kamay na pumi pigil kay Penelope upang iangat ang ulo mula sa tubig. Nilu lunod ni Jessa si Penelope.
''Gagaan ang buhay ko kapag namatay ka ng hayop ka!''- rinig pa din ni Penelope na sabi ng kanyang ate, kahit pa tila mahi himatay na siya sa kanyang kalagayan. Hinigit ni Jessa ang ulo ni Penelope mula sa timba at agad namang napa ubo si Penelope at nag habol ng hininga.
''Hindi mo ako kaya, Pipi. Kahit anong gawin mo ay ako pa din ang mas malakas at mas makapangyarihan kaysa sayo''-sabi ni Jessa at muli niyang ini lublob sa tubig ang mukha ni Penelope.
''Mamatay ka na''- sabi pa ni Jessa at sinuntok suntok niya si Penelope sa likod ng ulo nito habang naka lublob pa din ang mukha sa tubig.
Unti unti ng nawawala sa ulirat si Penelope, 'mamamatay na ba ako?' tanong ni Penelope sa kanyang sarili.