Natapos na agad si Olivia sa pagkain samantalang si Penelope ay nangangalahati pa lamang ang naka kain. Nagpaalam na si Olivia na magpa pahinga na dahil maaga pa ang kanyang trabaho kinabukasan, at umakyat na siya sa kanyang kwarto para matulog. Ibinilin nya din kay Oliver na mag hugas ito ng mga pinggan sa lababo.
Pagka alis ng ina ay nag simula na naman si Jessa na pag tripan ang kanyang kapatid. Nkapag palit na din siya ng damit at tapos na din kumain.
"Damihan mo pa ang kain, Pipi, pasarapin natin ang pagkain mo"- sabi ni Jessa at dinampot nito ang basahan na ginamit ng kanyang ina para punasan ang mga tubig na natapon sa sahig at lamesa.
Ang basahan ay piniga ni Jessa sa ibabaw ng kanin ni Penelope, kitang kita niya ang kulay putik na tubig na umaagos mula sa basahan patungo sa kanyang pinggan.
"Kain!"- mahina ngunit may diin na utos ni Jessa sa kapatid. Si Penelope naman ay hindi gumalaw dahil ayaw niyang kainin itong maduming kanin.
"Ang sabi ko, kain!"- pag uulit ni Jessa, tatayo na sana si Penelope ngunit hinigit ni Jessa ang kanyang buhok kaya't siya ay napaupo ulit.
"Hindi ka ba nakaka intindi? Akala ko ba ay pipi ka lang? bingi ka na din ba ngayon?"- napa luha si Penelope sa sakit ng sabunot sa kanya ng kanyang kapatid.
"Uulitin ko, kainin mo ito!"- gigil na utos ni Jessa at malakas na iwinasiwas ang ulo niya habang siya'y hawak hawak nito sa buhok.
Hindi pa din kumain si Penelope, kaya't mas napikon pa si Jessa. Kinurot niya si Penelope sa tagiliran ng sobrang diin kaya't napa nganga si Penelope at napa ungol sa sobrang sakit. Dali dali namang dinakot ni Jessa ang kanin sa pinggan at isinubo ito kay Penelope. Masuka suka si Penelope dahil sa nakaka diring lasa ng pagkaing isinubo sa kanya. Pilit niyang itinutulak palayo ang kamay ng kanyang kapatid ngunit pilit pa din nitong isinusubo sa kanya ang kanin na kulay putik.
Iyak na iyak na si Penelope ngunit hindi tumigil si Jessa hangga't hindi nauubos ang kanin sa pinggan. Hindi pa siya nakuntento, ang mga natirang sabaw sa pinggan ay isinalin pa niya sa baso at pilit na ipinainom kay Penelope.
Hindi ito nasikmura ni Penelope, hindi niya matiis kaya't siya ay nagsuka sa ibabaw ng lamesa.
"Bakit mo isinuka? Nag aaksaya ka ng pagkain! Kainin mo ulit yan"- utos ni Jessa, gusto niyang kainin ulit ni Penelope ang mga isinuka niyang pagkain.
Pilit namang umiiling si Penelope, ngunit wala siyang magawa dahil napaka higpit ng pagkaka hawak sa kanya ng kanyang ate. Pilit pinapa nganga ni Jessa si Penelope ngunit ayaw talaga nitong ibuka ang bibig, kahit anong palo niya at kurot ay hindi ito nagbu bukas ng bibig kaya't napagod na siya, at sa halip ay ini ngudngod niya ang mukha ni Penelope sa sarili niyang suka. Hindi pa ito nakuntento at inihampas pa niya ang mukha nito sa lamesa. Tumigil lamang siya ng nakitang dumudugo na ang ilong ni Penelope dulot ng pagkaka hampas nito sa mesa.
"Linisin mo ang mga kalat dito sa kusina, pati na ang lababo. Pag may nakita akong kalat dito bukas, lagot ka sakin"- pagbabanta pa ni Jessa bago umakyat sa hagdan at pumasok sa kwarto.
Si Penelope naman ay hindi agad maka kilos sa kanyang kinauupuan dahil siya ay nahihilo, dahil na din sa pag uuntog sa ulo niya sa lamesa, na ginawa ng kanyang kapatid.
Maya maya pa ay tumayo na siya at dumiretso sa banyo, nai suka na niya ang lahat ng kanyang kinain ay nararamdaman pa din niya ang maduming kanin na pinilit ipakain sa kanya. Tapos naghilamos na siya ng kanyang mukha, nag hinaw ng katawan at nagpalit ng damit. Pag labas niya ay nadatnan niya ang kanyang Kuya Oliver na naka tayo sa harap ng lababo.
"Bakit hindi pa nalilinis itong mga pinggan?"- masama ang tingin nito sa kanya.
Nag senyas si Penelope na gagawin nya na ito ngayon. Kumunot naman ang noo ng kanyang kuya at ang sabi sa kanya ay "Ano? Anong sinabi mo?" at naglakad pa ito palapit kay Penelope.
Dahan dahan namang inulit ni Penelope ang kanyang pag senyas, ngunit hindi pa siya natatapos ay tinampal ng kanyang kuya ang kanyang kamay.
"Hindi kita maintindihan!, ginagawa mo ba akong tanga ha? Kapag tinatanong kita ay sumagot ka"- pagalit na sabi niya at dinakot ang mukha ni Penelope. "Ay pano ka nga pala sasagot ay pipi ka"- may pang uuyam na wika niya at pagkatapos ay itinulak niya ng malakas si Penelope patungo sa pader, napa igtad naman siya dahil sa sakit ng tumama ang kanyang likod sa matigas na dingding at napa salampak siya sa sahig.
"Bilisan mo na ang pagli linis dyan, bago pa ako ma asar sa iyo at ibitin kita ng patiwarik" wika pa ni Oliver sa kanyang kapatid.
Napa hawak naman si Penelope sa kanyang ulo dahil malakas din ang naging pagkaka tama nito sa pader. Tahimik siyang kumilos upang mag linis at ginawa niya ito ng mabilis dahil natatakot siya na baka makita pa siya ng kanyang kuya at masaktan na naman siya.
Tahimik na lumuluha si Penelope, iniinda ang sakit ng katawan bunga ng pagkaka haplit sa kanya ng kanyang ama gamit ang sinturon, pagkaka sabunot ng kanyang ate at pagkaka tulak ng kanyang kuya. Pinipilit niyang isipin na mahal siya ng kanyang pamilya, pero dahil sa mga pasa, galos at peklat ay nahihirapan siyang kumbinsihin pati ang kanyang sarili.
Malapit na siyang matapos maglinis sa kusina, mga bandang alas nueve na yun ng gabi. Narinig niya na may tao sa labas ng kanilang gate, pero dahil solo na lamang siya sa unang palapag ng kanilang bahay ay natakot siya. Parang kinakalog ng dalawang tao ang kanilang tarangkahan kaya't ang ginawa niya ay ini kandado niya ang kanilang mga pintuan. At pagkatapos ay pumasok siya sa kanyang kwarto at isinarado din ito, iniisip nya kasi na baka magnanakaw ang mga nasa labas at nagpi pilit pumasok para nakawan ang kanilang bahay.
Habang pahiga na siya sa kanyang kama ay naririnig pa niya na kumakalampag ang kanilang gate, siya ay natatakot para sa kaligtasan ng kanyang pamilya. Lalong lalo na ng kanyang ina, iniisip niya na baka hindi lamang sila looban kundi saktan din pati ang mga tao sa bahay. Nagtalukbong siya ng kumot at niyakap ang kanyang paborito at nag iisang manika. Maya maya pa ay tahimik na ang paligid, wala na ang kumakalampag sa gate kaya't hindi niya namalayan na unti unti na siyang nilalamon ng kadiliman. Sa sobrang pagod niya at sakit ng katawan ay nakatulog na din siya at naka pahinga sa wakas.
Bandang alas dos ng madaling araw.
Ginising si Penelope ng isang malakas na tadyak sa tagiliran, at nahulog siya sa kama dahil sa lakas ng pagkaka sipa sa kanya. Nakabalot pa din siya sa kumot kagaya ng posisyon niya bago siya matulog kaya't hindi niya makita ang nangyayari. Hindi din siya makabangon dahil sa sakit ng kanyang tagiliran, nahihirapan din siyang huminga at pakiramdam niya ay nabali ang kanyang tadyang.
"Inutil ka talagang bata ka! Wala kang silbi! Mamatay ka na"- sigaw ni Mang Rene habang paulit ulit na sinisipa si Penelope, wala siyang puntirya at sumi sipa lamang siya kung saan saang parte ng katawan ng kanyang anak.
Inay. Pagtawag niya sa kanyang ina ngunit hindi nga siya makapag salita, sa isip lamang niya nagagawa ang pag hingi ng saklolo, dahil kahit anong pilit niya ay ungol lamang at hagulgol ang lumalabas sa kanyang bibig.
"Peste ka sa buhay ko, napaka malas mo! Minalas ang buhay ko ng dumating ka!"- rinig niyang sabi ng kanyang ama. Gustong gusto niyang humingi ng tulong. Tinamaan siya ng tadyak sa mukha at naramdaman niyang pumutok at dumugo ang kanyang labi.
Nagkaroon ng pag asa si Penelope ng marinig niya ang yabag ng mga paa na patungo sa kwarto niya. Yun na siguro ang sasaklolo sa kanya, ang kanyang Inay.
Ngunit sa labis na pagka dismaya ay wala siyang narinig na pag aawat, naisip niya na marahil ay kapatid niya ang dumating. Ang kanyang mga kapatid na walang pakialam. Nakaka lungkot dahil umasa siya, inakala niya na kahit sa ganung pagkakataon man lang ay sasaklolohan siya ng kanyang mga kapatid sa ganung pagkakataon, lalo pa at wala naman siyang ginawang masama para siya ay bugbugin.
Hindi pa nakuntento si Rene, yumuko pa siya para maabot si Penelope na naka handusay sa sahig at naka balot sa kumot. Hinawakan niya sa leeg si Penelope at sinakal ito. "Mamatay ka na! Hayup ka! Bakit ka pa dumating sa buhay namin!? Malas! MALAS!"
Hindi na makahinga si Penelope, unti unti nang nagdilim ang kanyang paningin.