“Parang inaantok na si Ate Joyce, Kuya Anthony. Bakit di mo ilagay tong unan ng mas maging compostable siya sa pagkakasandal ng di mangalay." aniya ni Ellen. Nasa kalagitnaan na kami ng biyahe mula ng mabalikan ko sila kangina sa parking lot. Bago pa kasi ako naderetso mayroon pa akong tinawagan bago kami tuluyan na bumiyahe. “Salamat Ellen. Ikaw matulog ka rin muna habang nasa biyahe medyo malayo pa ang tatahakin natin bago tayo makarating sa pupuntahan natin." sabi ko sa kanya. “Sige Kuya Anthony at inaantok nga rin ako. Dahan-dahan lang sa pagmamaneho ah! Nasa harap yung buntis baka mapano sa bigla mong pagpreno." habilin pa na sinabi saka nagtalakbong ng kanyang mukha at sumandal ng maayos “Okay sige!" sagot ko nalang. Bandang Bulacan na pala kami at ilang oras pa ang lalakbayin

