SOBRANG HABA NG BIYAHE NILA JOYCE AT HINDI NIYA MALAMAN KUNG SAAN SILA PAPUNTA NG DI SINASABI NG KANYANG ASAWA KUNG SAAN BA SILA TALAGA PAPUNTA NG SABIHIN NA ISANG SUPRESA. ISIP SIYA NG ISIP AT DI MAPAKALI. “Ate Joyce okay ka lang?" napalingon ako ng magtanong si Ellen habang nakatanaw ako sa labas ng bintana. Naaaliw ako sa mga natatanaw ko na makukulay na bahay at mga puno na mga naglalakihan. Ang ganda ng mga tanawin at fresh na fresh sa mga mata at nakakarelax nakakabawas ng mga problema. Naalala ko tuloy ang lugar kung saan kami nuon nakatira ni Britzstone ng mga bata pa kaming dalawa. Ganito na ganito ang matatanaw sa mga lugar kung saan kami natira. Gusto ko nga rin yon ng dahil sa tabi kami ng river at malapit na rin sa dagat ang bahay kung saan kami tumutuloy ng ilang taon

