“Excuse me! Miss may tumawag sa akin. Anong nangyari kay Bianca?" Tanong ko agad ng nagmamadali akong kumaripas at hindi naiwasan na mag-alala. Napalingon yung dalawang babae na siyang nag-uusap usap tungkol sa babaeng dinala raw at halos mamamatay sa pambubugbog ng asawa. “Hello Miss! Pasensya na itatanong ko sana kung saan kwarto ni Bianca at kung sino tumawag sa akin at kung anong nangyari ba sa kanya?" Anito ko ulit sa kanila saka lang sila naistorbo sa pag-uusap. “Sorry po!" Sabi ng isa ng maistorbo ang pakikipagchismisan. “Ako po yung tumawag sa inyo." Isang babae ang siyang lumapit sa akin at nagsabi na siyang tumawag sa akin para puntahan si Bianca. “Anong nangyari kay Bianca?" tanong ko. “Dinala po siya rito na halos wala ng buhay. May nakakita na binugbog siya ng isang la

