1

448 Words
Nilanghap niya ang malamig na simoy ng hangin habang nakatore siya sa gilid ng rooftop ng tinutuluyan niyang hotel. Ito ang hangin na namiss niya sampung taon na ang lumipas mula ng umalis siya ng pinas at muling nagbalik para sa pagsisimula niyang muli sa buhay. Nang mabisto siya ng huling subject niya na bilang ispiya sa grupo nito binigyan siya ng order ng organization na kinabibilangan niya na umalis at magpahinga muna sa mga misyon niya. Ngayon nga ay pitong taon na rin ang nakakalipas mula ng umalis siya at manatili rito sa pilipinas pero kung saan-saan naman siya napapadpad dahil ayaw niyang manatili sa iisang lugar lalo pa at pakiramdam niya na tila may sumusunod sa kanya. Kahit na alam niyang nasa piitan na ang huling tao na naging assignment niya. Wala na itong kakayahan pa na ipasundan siya para ipapatay pero pakiramdam niya may nagmamanman pa rin sa kanya. Pero hindi siya nangangamba kaya niyang pumatay ng walang kakurap-kurap lalo pa at isa siyang bampira. Isang uri ng nilalang na sa tingin niya na hindi nabibilang sa mundong ito. Naningkit ang madidilim na mga mata ni Aquer ng maalala kung sino siya. Ang tunay niyang katauhan. Mula ng malaman niya ang tunay niyang katauhan agad na nilisan niya ang lugar kung saan may kumopkop sa kanyang mag-asawa. Bigla niyang naisip kung buhay pa ba ang mga ito. Labingpitong taon na ang nakakalipas mula ng umalis sya sa poder ng mga ito. Marahas siyang bumuga ng hangin. Ayaw man niyang isipin kapag nalaman ng mga ito kung ano siya paniguradong katatakutan siya ng mga ito. At iyun ang bagay na ayaw niyang maranasan. Kaya naman mas pinili niyang mamuhay ng mag-isa at gamitin ang pagiging halimaw niya. Mapait siyang napangiti. Yeah,he's a monster. Pinanganak siya na isang halimaw. Nauuhaw sa sariwang dugo. He is fuvking bloodsucker! Napapikit siya ng makalanghap ng amoy ng dugo mula sa mga tao na humahalo sa hangin. Dumungaw siya ibabang bahagi ng kinatutuntungan niya. Abala ang mga nilalang sa ibaba. Ang mga sasakyan na nagkumpulan na mabagal na umuusad dahil sa trapik. Napangisi siya. Oras na para manghunting. Kailangan niya ng dugo mula sa tao. Kailangan niyang makahanap ng taong na may masasamang budhi. Tinuring niya ang sarili bilang isang punisher. Siya ang tatapos sa buhay ng mga tao na gumagawa ng kasamaan sa kapwa nila. Kahit papaano hindi siya ganun kahalimaw pagdating sa pagkitil ng buhay ng isang tao para sa sariwang dugo. Makakatulong pa nga siya para mabawasan ang masasamang tao sa mundong ito. Napangisi siya. Kailangan na niyang simulan manghunting ngayon gabi. One is enough! Hindi siya ganun kahayok sa dugo ng tao. But still monster is monster!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD