Maingat na bumangon mula sa tabi ng natutulog na kasintahan si Aquer ng maulinigan niya sa gitna ng gabi ang dalawang nag-uusap. It's Stella and his mother. Sa palagay niya nasa likod ng palasyo ang mga ito. "Kamusta na kaya si Amir.." saad ng ina na mauulinigan ang pangungulila nito sa lalaki. "Mahal na prinsesa,pasensya na siguro gusto lamang ng tatlong kambal na patunayan niya na talagang karapat-dapat siya," tugon ni Stella. Nanatili siyang nakasandal sa headboard habang tahimik na pinakikinggan ang mga ito. May guilt siyang nararamdaman pero ginawa lang nila yun para protektahan ang ina. "Hindi ko batid kung ano ang pinagawa sa kanya roon ng mga anak ko..kahit ang Reyna tumulong pa," anang ng ina na mahihimigan ang pagkamangha. "Ahm,sasabihin ko sa inyo,mahal na prinsesa.." "T

