Chapter 38

2217 Words

“Vanessa… sino ‘yon?” Bulong ng isipan ni Macaria. Nanatiling pinagmamasdan ni Macaria ang asawa. Nakakunot ang noo nito at iritado sa pakikipag-usap sa telepono. Dahil ingles ang ginagamit nitong lengguwahe at kakaunti pa lang ang nalalaman niya sa salitang ‘yon, di masyadong naiintindihan ni Macaria ang mga pinagsasabi ni Kaleb. “Stop calling me. I told you we’re done, Vanessa. Bye.” Mayamaya ay padabog nitong ibinaba ang telepono. Nagtatakang sinundan ni Macaria ng tingin si Kaleb habang kinukuha sa kaniya si Amara. “May… problema ba?” Umiling ito at pilit na ngumiti. “Wala.” “Sino yung tumawag?” “Sa trabaho. I told them not to disturb me while I’m on vacation, tumawag pa rin.” Dissappointed itong napailing at bumaling sa kaniya. “Tara na? Excited na ang batang maliit na ‘to.”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD