Mula sa banwa lumabas naman doon si Kaleb. "Love, naipasok ko na ang mga gamit natin—" Nilingon ni Macaria ang asawa nang matigilan ito sa pagsasalita. Nagtaka siya nang bumalong ang gulat, pangamba at galit sa anyo nito habang nakatingin sa mga paparating na bisita... ——— "Opo, doctor. Hindi na po ako dinatnan ng dalaw ko nitong nakaraang buwan, eh." "Okay. I will give you a brief check up. Pero kailangan mo pa rin kumonsulta sa Ob Gyne para malaman natin kung maayos ang kalagayan ng bata." "Sige, po." Tumatangong sagot ni Haryeta. Sinimulan na itong suriin ng Doctor. Dahil isang beses lang sa isang buwan kung makadalaw si Jacob sa komunidad, sinasamantala 'yon ng mga katutubo upang maipakonsulta ang karamdaman ng mga ito. Sa nagdaang mga taon, nakamulatan na ni Macaria ang isa-

