Mabilis na bumaling ang tingin ni Macaria sa natatanaw niyang nakabukas na main door at nakitang nakatayo roon ang isang maganda at balingkinitan na babae. Ito si Vanessa? ————— Naglakad ang babae papalapit sa kaniya na umiindayog ang balakang. Huminto ito sa harapan niya at nang-uuring pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa. “Where is Kaleb and who the hell are you?” Nanatiling nakatitig si Macaria kay Vanessa. Hindi niya naiintindihan ang sinabi nito. Ang suot pa nito’y ngayon lamang siya nakakita ng ganito. Bestidang maikling-maikli at hapit sa katawan. Matingkad ang kulay. Walang manggang at halos, nakalabas na ang parteng dibdib. “Are you deft? Where is Kaleb?” Ulit nito. Saktomg bumaba si Kaleb galing sa opisina nito sa itaas at naabutan ni Vanessa na kausap si

