CHAPTER 4

1813 Words
DOON sila huminto at napa-titig silang dalawa sa ‘kin. At dahil may mga bulbs sa mga puno, kitang-kita ko kung paano tumaas ang kilay ng babae habang naka-sablay pa rin ang dalawa n’yang mga braso sa leeg ni Kuya Logan. Kinalas n’ya ‘yon at humakbang papunta sa kinaroroonan ko na agad naman s’yang sinundan ng babae at umangkla pa sa kaliwang braso n’ya. Lintang Higad, best combo. Itong Kuya ko talaga, iba’t-ibang hayop ang pinapasok n’ya rito sa bahay. Maliban sa lalakeng nasagupa ko, meron na’ng napa-apak dito na linta or higad, ahas naman o ‘di kaya kambing. Magaganda naman sana kaso nga lang, ‘pag sa tuwing pinapakilala ako ng Kuya ko... akala mo naman kung sino. Inggit yata sa ‘kin dahil nakakasama ko ang prince charming nila sa iisang bahay. “Why I haven’t receive any messages from you, Ellah? Instead, all I have got are from Dad,” matigas n’yang tanong sa ‘kin, na habang papalapit ay nasisilayan kong magkasalubong nanaman ang dalawa n’yang mga kilay. “Nakalimutan ko,” maikling tugon ko na’ng huminto na silang dalawa sa harapan ko. Hindi ko mapigilang mapa-tingin sa babaeng naka-dikit sa kan’ya. As usual, this girl is pretty. Lalo na’t ang laki ng sus0 n’ya. Naka-fitted glittery dress kasi s’ya na kulay dark red. Wala s’yang make-up kaya natural na natural ang kan’yang taglay na ganda. “Is that a valid reason? You have forgotten? What time did you arrive here?” seryoso n’yang tanong tapos sunod-sunod pa at parang kasing lalim ng lawa nanaman ang tono ng boses n’ya. Tumikhim ako ng konti na’ng sinalin ko ulit ang atens’yon sa mukha ng Kuya ko. Halatang bad mood na ngayon. “Could you please don’t scold me in front of her po? Nakakahiya,” mahinahong tugon ko pero mas lalo lang yata gumusot ang kan’yang mukha. “I don’t care, ilang beses na kitang pinagsabihan bago ako umalis sa department mo. Huwag mo nanaman irarason sa akin na nakalimutan mo,” mariing usal n’ya sabay tinalikuran na ako. Sabay silang nag-lakad ng babae n’ya papunta sa living room na pilit sinasabayan ang malalaking hakbang ng kuya ko. Naririnig ko pa ang mga tunog ng takong ng heels n’ya. Kapag nag-tagalog ‘tong si Kuya Logan, ibig sabihin galit nanaman s’ya sa ‘kin. Pero minsan? Ang O.A na n'ya dahil lahat kasi irereport talaga kung ano ang ginagawa ko at gusto n’ya, ang bilin o utos ay dapat sundin. Nakakasakal, hindi talaga ako makakilos ng maayos. Napa iling-iling na lang ako at ginalaw ang sariling mga paa para matungo na lang ang hagdan at maka-pasok na sa loob ng k’warto ko. Out of place naman ako sa bonding nila kaya mas mabuti na lang na matulog ng maaga. Na’ng marating ko na ang k’warto ko, nag half bath muna ako bago sumampa sa malambot na kutson. Kinapa ko ang remote ng chandelier na nasa side table para i-off at in-on ko naman ang lamb shade. Then, pinikit ko na ang mga mata ko para makatulog na kahit pasado seven pm pa lang. Hindi ko gustong mag-isip ng kung ano-ano kaya mas pipiliin kong matulog na lang. Pag-sapit ng maulan na umaga, ginising ako ni Tita Maria at naka-hain na ang agahan. Sa ngayon, sabay na kaming apat kumain na parang hindi pa rin nakakatuwa at alam kong si Kuya ang kakausapin nila. Sana sa balcony na lang ako lumamon. “Son, you have to take a break for a while. You have been working so hard for our company, how about... having a trip in Japan?” Kagaya nga ng sinabi ko ‘di ba. Japan huh? Sounds good. By the way, naka-upo kaming dalawa ni Kuya Logan sa left side ng mesa at kaharap naman namin nina Mama at Papa. Kumakain lang ako na walang imik kanina pa. “For the three of us. We should go there. Japan is one of the wonderful place that I have visited,” singit naman ni Mama sa usapan. “Hindi n’yo po ba ako isasama?” sabat ko naman kahit hindi ako tinatanong. Makapal ang mukha ko minsan eh, lalo na sa ganitong pagkakataon. “You are still studying, remember?” I knew it. ‘Yan ang magiging sagot ni Papa. “So what do you think, Son?” sabi n’ya pa na hinihintay ang magiging sagot ni Kuya Logan. Sana um-oo na lang para may day-off naman ako sa ka-istriktuhan n’ya. “I rather want to stay here with Ellah,” seryosong tugon n’ya na agad namang napa-higpit ang pagkakahawak ko sa tinidor dahil sa pagkadismaya. Pero hindi ko pa rin inangat ang ulo ko at kinagat ko na lang ang sausage sabay nginuya ng mabilis sa inis. “What? She is not a baby anymore, Logan.” Indeed Mom, indeed. “Kaya na n’ya ang sarili n’ya,” pahabol pa. “Every single day is important to me, Mom so I have to refuse. Maybe in some other time,” pormal na tugon ni Kuya at narinig kong tumikhim si Papa. “Okay, no problem. Just tell us if you want to take a vacation then we will go,” mahinahong sambit ni Papa kaya mas lalo ko pang binilisan ang bawat subo ko ng pagkain sa bibig at para maka-alis na ako. Napagtanto kong wala na palang laman ang plato kaya ginalaw ko agad ang braso ko para makapitan ang isang baso ng tubig na nasa left side ko at uminom ng tatlong lagukan habang tahimik na silang tatlo dahil naka-focus na sa kani-kanilang mga pagkain. “Aalis na ako,” mahinang usal ko sabay tumayo sa pagkakaupo pero wala pa rin akong narinig na response at wala naman akong pakealam. Sanay na. Dahil do’n, umalis na ako sa p’westo ko at tinungo ng pintuan sa mabilis na hakbang para maka-labas. “Mag-iingat ka sa biyahe, naghihintay na si Mister Jeager sa labas.” Bumungad sa ‘kin si Tita Maria na’ng maka-apak na ako sa mismong ground floor. Katabi lang kasi ng living room ang dining room dito sa ibaba. “Heto, isuot mo na ‘tong bag mo,” marahang usal n’ya sabay inabot sa ‘kin ang bag pack ko kaya agad naman akong napa-ngiti. Mabuti pa 'tong si Tita. May paganito pa sa 'kin. “May baon ka r’yan sa lunch box na hinanda ko kanina. Japanese egg omelet at apat na rice balls.” Mas lalong umaliwalas ang mukha ko na’ng tinanggap ko na ang bag. “Maraming salamat po, Tita Maria. Half day lang po pala kami ngayon pero kakainin ko ‘to sa breaktime namin,” masiglang usal ko at tumango-tango s’ya habang naka-ngiti. Kaya hindi talaga pinapaalis si Tita Maria ni Kuya dahil nakikita n’ya naman sigurong masipag, mabait at maasikaso hindi kagaya ng dating maid na hinire namin. Actually, anim silang lahat dito sa bahay pero hindi ko ka-close ‘yong lima at hindi ako nakikipagusap dahil sapat na sa ‘kin si Tita. “I have to go, Tita. Uuwi po ako mamayang ten thirty po,” magalang kong usal na agad naman s’yang sumangayon. Umalis na ako sa loob ng bahay at nakita kong nag-aabang na si Kuya Jeager sa labas na agad akong tumakbo. Kasunod no’n ay pumasok na ako sa loob ng kotse at nag-simula na kaming bumiyahe. “Good morning my sissy!” masiglang bati sa ‘kin ni Klark habang kumakaway-kaway pa. Naka-upo na s’ya sa katabi kong desk sa kaliwa kaya pumasok na ako sa loob at tinungo ang kinaroroonan n’ya. Hindi ko pa nakakausap si Kuya kaya sa ibang araw ko na lang sasabihin about sa bagay na 'yon. Tinanggal ko muna ang bag ko aking likuran sabay sinabit sa gilid ng desk ko at umupo na. “Uy, parehas tayo ng kulay ng t-shirt ah? Gaya-gaya,” pabiro n’yang usal kaya napa-baba naman agad ang tingin ko sa damit kong fitted black t-shirt pero may mahaba pa akong suot na black blazer at itim din na skirt pang-ibaba. Sinalin ko naman ang atens’yon ko kay Klark na naka-itim s’yang polo shirt tapos gray na pantalon. Hindi mo nga mahahalata na bakla ang lalakeng ‘to sa unang tingin pero p’wera na lang ‘pag gumalaw. May hitsura kasi, pogi kumbaga. Para sa ‘kin, g'wapo ‘tong kaibigan ko. Kasing tangos sila ng ilong ng kuya ko pero payat nga lang s’ya at wala namang problema sa 'kin 'yon. “Hanggang dito pa ba naman, nag-aaral ka?” natatawang tanong ko dahil may hawak s’yang black ballpen sa kanang kamay tapos may naka-lapag na notebook sa gitna at nasilayan ko pang may naka-bukas na libro sa gilid n’ya. “Oo nemen, sissy. Wala akong mabibingwit na lalake kung bobo ako ‘no,” malumanay n’yang usal kaya napa iling-iling na lang ako sa sinabi n’ya. Kung nag-aaral ‘tong kaibigan ko, may kan’ya-kan’ya namang mundo ang iba kong mga kaklase. Makikita ko sa paligid na marami ang nag-uusap tapos nagtatawanan lalo na ang mga babae pero ang mga lalake naming mga kaklase, cellphone ang inaatupag. Hindi lang naman si Klark ang nag-rereview, may iilan din naman. “Ah, Junellah? P’wede maka-hingi ng pabor?” Bahagyang kumunot ang noo ko na’ng may nag-salita sa kanan ko banda at inangat ko ‘yon ng tingin. Doon ko nasilayan ang hindi ko kilalang babae pero kaklase ko 'to. Fourty seven kaming lahat dito at wala ako sa mood na sauluhin ang mga pangalan nila. “Sino ka?” magalang kong tanong na parang nahihiya pa s’ya sa ‘kin. Dahan-dahan kong kinunot ang sariling noo. Kung hahalungkatin ko ang utak ko para may maalala, s’ya ang laging pinapagalitan dahil puro lang paganda ang ginagawa dahil kahit nag-le-lecture ang mga professor namin, nag-li-lip tint pa or nag-f-foundation sa kalagitnaan ng discussion. Hindi ako nakurap habang tinititigan ko ang mukha n’ya ngayon dahil ang ganda ng pagkakamake-up n'ya. 'E ako hanggang lipstick-lipstick lang minsan dahil hindi ako marunong. “Ano ang kailangan mo?” marahang tanong ko. “K-Kasi...” Kinunutan ko s’ya ng noo habang pinagmamasdan s’ya na marahang ginagalaw ang katawan na parang nahihiya talaga. Naka-ngiti pa ng konti sa ‘kin na parang nagpapa-cute. Ito na 'yong nakakairita na part. “P-P’wede bang pakopya ng assignment sa Readings in Philippine History? ‘Yong lesson four?” malumanay n’yang usal kaya agad naman akong ngumiti ng pabalik habang hinihintay n’ya ang magiging sagot ko. Halata kasi. “One hundred pesos per word, wala pa ang comma at tuldok. Payag ka?” Awtomatikong humupa ang ngiti n’ya na parang na b’wisit agad sa sinabi ko. “Ano? Nagpapabayad ka?” ‘di makapaniwalang usal na tumango naman ako ng dalawang beses. “Sasabihin ko pa ba kung hindi? Mahal ang brain cells ko, kung gusto mong maka-tipid p’wes mag-aral ka.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD