Hindi mawala-wala ang ngisi sa labi ni Jaren pagkagising ng umaga kaya naman pilit akong umiiwas. Nakakaramdam ako ng hiya dahil sa pinaggagagawa ko kagabi. Ang sinisisi ko tuloy ang panaginip ko. Maaring dahil doon kaya naman sobrang turned on ako. I really hate it but I have no choice but to let myself kasi pakiramdam ko talaga ay mababaliw ako kung hindi pero ngayon naman, para akong tanga na umiiwas sa kaniya. I hate his smile. Sumimangot ako. “Huwag ka ngang ngumiti,” paasik kong sambit. Natigilan siya at tumikwas ang dalawang kilay sa akin. Gustong-gusto ko na ginagawa niya iyon dahil pakiramdam ko ay napaka-senswal. Nanulis ang nguso ko at nagbaba ng tingin. Kung ano-ano na naman ang iniisip ko. Sa totoo lang ay may naiisip na akong dahilan kung bakit ako ganito lalo

