Nang magising ako kinabukasan ay wala na siya sa tabi ko. Ako na lamang ang naroon. Hindi ko pa man din siya natatanong sa kung bakit naririto siya kagabi gayong hindi naman niya ako ginamit. Gayunpaman ay nagpapasalamat ako at hindi pa rin ako nakahuhuma sa huling pangyayari sa aming dalawa. Sa buong umaga ay sa hardin muli ako nagpalipas at nang sumapit ang tanghali ay naisipan ko na linisan ang sala kahiit pa malinis naman iyon. Sinigurado ko na naibalik ko sa dati ang ayos ng mga gamit na nagagalaw ko at nang sa gayon ay ‘di pagmulan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan namin. Bandang mga alas-kuwatro ng hapon ay nawalan muli ako ng gagawin. Nanatili akong nakaupo at inisip na lamang ang anak ko. “Tatlong buwan lang. Mabilis lang ang tatlong buwan,” sambit ko sa aking sarili.

