Phase 43

1078 Words

Paulit-ulit na tumutunog ang cellphone sa tabi ko pero hindi ko iyon sinasagot. Hinahayaan ko lamang dahil sa inis na nararamdaman. Dahil sa kaniya, ang tinapay ko ay nalaglag sa tubig. Ang sarap sarap pa naman ng kain ko tapos ngayon ay wala na akong gana. Inis na inis kong pinagmamasdan ang pangalan ni Jaren. Kung hindi ko pa narinig ang matinis na boses ni Evan na tumatawag sa akin ay hindi mapupuknat ang tingin ko roon. Nang lingunin ko ang b****a, ang entrance patungo sa pool area ay nakita si Evan na tumatakbo palapit sa akin dala-dala ang isang take out box na pizza. Sa likod niya ay si Inigo na mataman lang na nakatingin sa akin at ngumiti. Tumango ako bago sa anak ko na itinuon ang atensyon. “Kamusta ang gala ninyo? Nag-enjoy ka ba?” salubong ko sa kaniya. Agad siyang umupo

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD