Abot abot ang kabog ng dibdib ko dahil sa nabasa. Napakaraming sumasaksak sa isipan ko ngayon. Mga katanungan at mga bagay na impossible. Hindi ko nga napansin na kanina pa nagri-ring ang cellphone ko na ibinigay ni Jaren. Nang damputin ko iyon, 'di pa rin ako makapagsalita. "Bakit ang tagal mo sumagot? May nangyari ba? Are you fine, huh?" Alam ko na nag-aalala lang siya sa akin kaya naman ganoon siya. Napabuntong-hininga ako dahil doon. I have no plan on telling him that. Hindi na kailangan na malaman niya ang mga bagay bagay sa buhay ko lalo pa't lingo na lang ang mayroon kami. "You're not answeri— I'm coming home," biglang pinal ang tono ng kaniyang boses na siya namang ikinabahala ko. "Ha? H-hindi. Huwag na. Ayos lang naman ako—kami rito. Masama lang ang timpla ko ngayon," pagd

