Agad ko namang pinapasok ang magkapatid sa loob ng bahay. Naalala pa nga ni Alfred ang butler at ilang mga kasambahay ng pamilya ni Zen na matagal ng nagsisilbi sa kanila. Nagkamustahan pa sila kaya hinayaan ko naman. Muntikan pa nilang banggitin ang tungkol sa akin pero mabuti na lang at agad ko silang nasenyasan na huwag munang ipaalam sa kanya. Wala pa naman sina Tito at Tita para salubungin siya. Tiyak akong matutuwa ang mga yon dahil sa natatandaan ko ay close din siya sa mga ito. Sina abuelo at abuela naman ay nasa kabilang mansyon. May aparteng bahay kasi sila dito sa hacienda. While waiting, iginiya ko na muna si Carissa para makapag cr na siya. "Uhmm Carissa right?" "Ah yes." "The comfort room is right there. You can take your time first while your brother is still catch

