*****
I let Oriol to have his time and to process and accept the sudden truth he is facing.
I just didn't expect that he would throw his favorite headband na bigay ko sa kanya. I don't know but I think one of the things na super nakabighani sa akin na katangian ni Oriol ay ang kanyang mahabang buhok.
He looks so beautiful with his hair, so one day I decided to give him a headband I saw on the mall. I gave it to him as a surprise nang maging number 2 siya sa school. I remember na ako pa ang nagsuot sa kanya nito.
Narinig ko pang nagsisigaw si Oriol sabay tapon ng kanyang headband sa tubig. Matapos ito ay mabilis siyang tumakbo at umalis.
Ako naman ay mabilis na lumusong sa tubig bago pa tuluyang lumubog ang binigay ko sa kanya.
Kahit na pinagtinginan na ako ng mga tao kung bakit ko ito ginawa ay di ko na sila pinansin pa. Basta ang alam ko lang ay dapat ko itong makuha.
Basa ang kalahati ng aking katawan. Agad ko namang tinext ang kanilang driver kung saan na sila nagpunta.
Agad ko silang sinundan at pagdating ko sa kanila ay sinalubong ako nina tito at tita. Sila ay nagtaka kung bakit basa nga ako at kinwento ko naman ang nangyari. Agad nila akong binigyan ng twalya at pamalit.
"Zendo, I think we should give Oriol some time and space muna para iaccept lahat ng nangyayari. Ilang beses na kasi namin siyang kinatok sa room niya pero di talaga siya sumasagot." Ang sabi sa akin ni tita.
Pinauwi niya na rin muna ako pero kahit na labag man sa loob ko na iwan siya sa ganoong sitwasyon si Oriol ay wala akong ibang pwedeng gawin kung hindi ang maghintay muna.
Sinunod ko sila. Ako ay umuwi sa amin. Sa paghiga ko sa aking kama ay napaisip ako kung ano na ang mangyayari sa aming dalawa.
We never formally said to each other na we are in a relationship but everyone's assumed that we are. And also sa way na mag-act kami ay parang boyfriend and girlfriend kami pero di pa namin napag-usapan ito. Maybe because alam namin na kami rin ay ikakasal in the future and the feeling is mutual. Pero iba na ang sitwasyon ngayon.
I don't know what we are now.
Nagbago ba ang pagtingin ko sa kanya ng malaman ko ang katotohanan?
Naasiwa ba ako ng malaman ko na isa palang lalake ang akala ko na babaeng pakakasalan ko dapat?
Itong dalawang tanong na ito ang paikot ikot at paulit ulit na sumasagi sa aking isipan.
Lumipas ang mga oras na ito lang ang nasa isip ko.
At nang magkaroon ako ng sagot dito ay mabilis akong tumayo at lumabas muli at sumakay sa aking sasakyan para makita si Oriol.
Nothing's changed.
I still love him.
Sa pagbalik ko sa kanila ay gulat na sinalubong ako muli nina tito at tita at tinanong kung bakit naririto na naman ako sa kanila.
"Tito, Tita... Nothing's changed and pakakasalan ko pa rin po ang anak niyo." Ang buong lakas loob kong pangako sa kanila at sa oras ding yon ay narinig naming ang pagbukas ng pintuan ng kwarto ni Oriol.
Sabay sabay kaming lahat na napatingin sa taas.
At sa oras na iyon ay kaming lahat ay nabigla sa Oriol na bumaba sa kanilang hagdan.
Wala na ang kanyang mahabang buhok. Pinunas na niya ang mga luha sa kanyang mga mata ngunit di niya maitatago ang lungkot sa mga ito.
Tila ba pinipilit niyang tanggapin ang isang bagay na kailangan ng maraming oras para lubos na matanggap talaga.
"O-oriol."
"B-baby." Ang halos sabay at utal na sabi ng mga magulang ni Oriol nang makita nila ang itsura nito.
Maging ako rin ay gulat sa ginawa niyang paggupit ng kanyang iniingatang buhok.
Bumaba siya at pilit na ngumiti sa aming lahat. Nabigla pa siya nang makita akong naririto sa kanila.
Nang nasa huling baitang na siya ng hagdan ay di ko napigilan ang sarili ko na siya ay bigyan ng isang mahigpit na yakap.
I know he's hurting and trying to fake a smile to us.
"I know the truth. And nothing's will changed. You're still gonna be my wife." Ang sabi ko sa kanya.
And in that moment muling bumuhos ang mga luha sa kanyang mga mata at napahagulgol na lang.
.....
Naramdaman ko namang gumagalaw si Oriol sa aking pagkakayakap sa aking katawan. Mukhang ilang sandali na lang ay magigising na rin siya.
Mas hinigpitan ko naman ang pagkakayakap sa kanya dahil tiyak kong magpupumiglas itong umalis sa akin kapag nakita niya ang ayos namin ngayon.
"Zen!" At di nga ako nagkamali. Pinilit niyang umalis sa yakap ko paggising na paggising niya. Hindi ko naman siya hinayaan sa gusto niya.
"Let's stay like this for a while pa." Ang sabi ko naman sa kanya.
"B-but something is p-poking me down there. Is t-that your..." Ang pautal niya namang sabi.
"Oh my god Zen!!! You're such a pervert. Umusog ka nga don. Alis." Ang pilit tulak sa akin ni Oriol dahil naramdaman niya lang naman ang morning wood ko. Well it's not my problem lalo na that it's normal.
"Don't be a baby Midget. You're still a guy na wala lang ganto. This is just normal." Ang tila chill at normal ko pang sagot sa kanya.
"B-but... I-its... It's..." Halos di naman matuloy ni Midget ang sasabihin niya. Mukhang di siya makahanap ng palusot na sasabihin para bitiwan ko siya sa aking yakap.
"But it's what? Wag ka ng mahiya because sooner or later di mo lang yan mararamdaman but makikita mo na rin yan kapag married na tayo. Mabuti na ngayon pa ay kahit sa feeling lang ay handa ka na. Besides todo yakap ka pa nga sa akin kanina at talagang sinisiksik mo pa ang katawan mo sa akin." I knew that sobrang mahihiya siya sa sinabi ko. I just love teasing him.
"Ang k-kapal mo! I-ikaw kaya ang todo makayakap sa akin!"
*****