MULI KONG BINALIKAN SI ELISA SA kanyang silid para sabat na kaming bumaba. KUmatok ako sa kwarto nito ngunit walang nagbubukas. Kaya pinihit ko na ang seradura para pumasok. Bukas ang pinto pero walang Elisa ang nagbukas sa akin. Hinanap ko pa ito sa loob ng banyo pero wala pa rin siya. Saan kaya nagpunta iyon? Habang nagbibihis ako ay nakatanggap ako ng tawag mula kay Miss Remy kaya naman naantala ang pagbibihis ko. Natagalan siguro sa akin si Elisa kaya nauna na siya. Bumaba na lang din ako para makapunta na sa dining area. Papasok na ako ng marinig kong nagsasalita si Henry. “Kailangan ko ng mag propose Mom, Dad sa lalong madaling panahon. Kailangan na natin pumunta ng Santa Fe sa Thursday. Kung hindi ko ito gagawin ay baka iwan na niya ako.” Wika ni Henry habang akbay akbay pa si

