HINDI MAKAPANIWALA ANG MUKHA ni Elisa na sasabay akong kumain sa kanya sa canteen. Hindi naman masama na subukan kong kumain kung saan kumakain ang mga empleyado namin. Sinadya ko na hindi magpahatid ng pang lunch dahil gusto kong malaman kung saan kumain kahapon si Elisa at makita kung sino ang lalaking sinasabi niya. Si Tyrone ang nakasabay namin kaninang kumain. Nawala ang ngiti nito ng makitang kasama ako ni Elisa. “Ano siya sinuswerte? Akala siguro niya ay masosolo niya itong muli. Sorry siya, hindi ko na papayagan na maulit iyon! Sino ka ba kay Elisa, kaya naman mapag-isipan ka ni Sylvia na may gusto sa girlfriend ng kapatid mo, dahil dyan sa kakaselos mo. Lahat na lang pinag-seselosan mo.” Sermon ng isipan ko sa akin. “May hitsura naman si Tyrone ngunit mas hamak namang gwapo ako s

