MUKHANG MAGANDA ANG ARAW ngayon, kasing ganda pa rin ni Elisa. Maayos ang simula ng araw para sa dalawa kay Seňorito Heinz at kay Elisa. Maaliwalas ang bukas ng kanilang mukha. Kahit papaano ay gumaan ang kanilang pakiramdam pagkatapos nilang lumabas kagabi at kumain sa labas. Tulad ng sinabi ni Seňorito Heinz kay Elisa na sabay na sila muling kakain sa opisina ng nauna. Hindi lang inaasahan ni Ekz na ang magdadala ng pagkain nila ay ang mga kaibigan nito na kababalik lang galing sa bakasyon. Nagulat si Heinz ng magsipasok ang mga ito sa loob ng kanyang opisina. Masaya naman siyang makita muli ang mga ito. Lalo na at alam niya pagbalik ng mga ito ay babalik na rin ang mga ito sa Amerika at kasabay na rin si Sylvia na naroroon pa rin sa hacienda. “Kailan pa kayo dumating? Akala ko bukas

