⚠️ ⚠️ ⚠️ W A R N I N G, ⚠️ ⚠️⚠️. BAWAL SA BATA. SPG ALERT ‼️‼️‼️ ANO BANG GAYUMA ANG GINAMIT SA AKIN NI HEINZ? Gusto ko ng maniwala na meron talagang gayuma dahil kahit anong piit ko sa sarili ko ay naiiba kapag nandyan na si Heinz. Ramdam ko na gusto niya ako pero wala naman siyang sinasabi. Pwede na gusto niya ako, may gumugulo lang siguro sa kanyang isipan dahil may girlfriend siya. Nagdadalawang isip o nahahati ang kanyang puso. Anuman ang nararamdaman niya ay dapat sa akin magsimula ang hindi pagpayag sa mga gusto nito. Tulad ng bilin sa akin ni Henry na huwag ko ng hayaang may mangyari sa amin nitong muli. Pero iba kasi ang dating niya sa akin, makita ko pa lang ito ay tila kinikiliti na ang aking buong katawan. Mas matindi kapag dumampi ang palad nito sa akin, tila nakukuryente

