Chapter 3

1226 Words
HEINZ'S POV PARA AKONG nag-init kanina habang nasa falls kami ni Alfon. Naalala ko ang napanaginipan ko kaninang tanghali. Naligo agad ako pagdating ko dito sa bahay. Narinig ko pa ngang tinatawag ako ni Manang. Sinabi ko na lang na maliligo muna ako. Lumabas din agada ko dahil mamaya ay kakatukin din ako ni Manang kapag hindi ako agad lumabas. Habang busy pa ang utak ko sa pag-alala ng mga nakaraan naming tatlo nila Henry at Elisa. Paborito naming lugar nila Henry at Elisa ang falls . Pagkatapos naming maglarong tatlo, dito kami pumupunta para maligo. At naglalaro pa uli kami habang naliligo. Madalas kami ni Henry ang taya kasi kapag iiyak pa lang si Elisa magpapataya na si Henry. Nagtataya – tayaan kami habang naglalangoy at kahit tatlo lang kami. Basta magkakasama kaming tatlo ay masaya at matatapos na magkakagalit. Galit silang dalawa sa akin. Siguro kaya close yung dalawang iyon dahil ako ang tingin nilang kontrabida sa buhay nila. Noong una mga nakahubad pa kami pati si Elisa pero isang araw pinagsabihan siya ni Manang na huwag siyang maghuhubad. Dapat may damit siya hindi tulad namin ni Henry na okay lang walang pang-itaas dahil mga lalaki kami. Naintindihan namin dahil babae si Elisa at di tulad namin ni Henry. Walang mawawala sa amin kahit wala kaming pang-itaas. Madami naman gustong makipag-laro sa amin pero si Elisa ang pinaka-nagustuhan namin ni Henry. Mabait kasi ito at hindi maarte. Nakilala din siya nila Mommy at gusto rin siya ng mga ito kaya nga sila Mommy at Daddy na ang nag-paaral sa kanya noong high school. Click sila ni Henry at magkasundo sa madaming bagay kaya naman di malayong magka-mabutihan silang dalawa. "Heinz iho, ito na ang paborito mong maruyang saging," tawag sa akin ni Manang kaya naputol ang aking pag-babalik tanaw sa aming kabataan. "Kayo po Manang, sabayan na po ninyo akong kumain nito. Namiss ko po talaga ito Manang," saad ko dito. Wala kasing nagluluto ng maruyang saging para sa akin sa Amerika. "Tapos na akong kumain. Kanina pa nga kita hinihintay. Napasarap ka yata sa pag-iikot," tugon nito. "Opo ang dami ng nagbago dito sa atin po. Papatanggalan ko ng mga talahib ang papunta po sa falls. Dahil nandito na ako, mapapadalas na po ang pagpunta ko doon." Wika ko kay Manang. At ngumiti naman ito, bakas sa mukha niya na masaya siya dahil may makakasama na siya at miss niya rin kami. Kanina nga pagdating ko ay naiyak pa ito. Ten years ba naman kaming hindi nagkita nito. "Tumawag pala ang Mommy mo kanina, hindi ka daw sumasagot sa tawag niya kaya sa akin ito tumawag. Bukas na daw sila makakapunta dito at may aayusin pa daw ang Daddy ninyo. Isang lingo daw sila dito mag-stay," imporma nito sa akin. "Sige po Manang salamat po. Iniwan ko po ang phone ko sa room. Wala naman po kasi akong inaasahan na tatawag sa akin," saad ko dito. “Eh bakit ang girlfriend mo hindi ka ba niya tatawagan? Hindi ka ba niya mamimiss?” anas nito sa akin. Umiling lang ako dito at di sinagot ang tanong niya, bagkus ako ang nagtanong pa sa kanya. '"Manang pwede po magtanong?" baling ko dito. "Ano iyon iho?"balik tanong nito sa akin. "Kapag po ba umuuwi si Henry dito, nagkikita po ba sila ni Elisa?" ewan ko ba bakit ko naitanong ito kahit alam ko naman ang sagot. Sa tuwing pumupunta nga si Elisa dito noon, si Henry agad ang hinahanap niya sa akin at kay Manang. "OO sinusundo ni Henry si Elisa sa bahay ng dalaga. Madalas silang mangabayo para samahan si Henry sa pag-ikot dito sa hacienda," sagot ni Manang na busy sa pagtatanggal ng dahoon ng malunggay sa stem nito na maliit. "Marunong pong mangabayo si Elisa?" di ako makapaniwalang tanong ko kay Manang. Noong nandito pa kasi kami ay takot itong sumakay kahit nga yayain namin itong umangkas isa man sa amin ni Henry. "OO si Spade nga ang ginagamit niya kapag nag-iikot sila ni Henry. Saka dito din siya pinapatulog ni Henry para di siya mabored. Naku madalas nga nakakulong ang dalawang iyon doon sa kwarto," dagdag pa nito. “Paano po natuto si Elisa, na sumakay sa kabayo? Ayaw po niyang sumakay noong nandito pa kami ni Henry,” di makapaniwalang tanong ko kay Manang. “Si Alfon ang nagturo kay Elisa. Masyadong nalungkot ang dalaga noon pag-alis ninyong magkapatid. Lahat ng mga bagay na may kinalaman sa inyo ay pinag-aralan niya para daw kapag umuwi kayo ay makapag-bonding kayong tatlo. At dahil bago noon sila Jack at Spade, inisip niya na pagbalik Ninyo ay ang mga kabayo Ninyo ang pag-ka-ka-abalahan daw Ninyo. Matiyaga siyang nagpaturo kay Alfon at matiyaga din siyang tinuruan nito. Sabi nga ni Alfon talagang desidido itong matuto.” Tumigil itong mag-salita at natawa pa ito. “Sabi pa ni Alfon sa akin, si Spade at Jack daw ang kinakausap ni Elisa na kunwari ikaw at si Henry yung dalawang kabayo. Tumutulong din siya na paliguan at pakainin ang dalawang kabayo noong hindi pa siya nagpunta ng Manial.” Mahabang kwentoi ni Manang. “Naawa ako noon kay Elisa ng umalis kayo. Lagi iyon nandito at tinatanong kung kailan daw kayo babalik. Laging umiiyak ito, kasi kayo lang daw ang kaibigan niya. Tuwing walang pasok naghihintay siya dahil baka bigla daw kayong umuwi. Minsan nga dito iyon matutulog sa papag sa hinihigaan Ninyo ni Henry at hinihiram ang mga unan Ninyo para maramdaman daw niya na kasama pa rin kayo.” Patuloy nito na naluluha na rin. Siguro iniisip niya yung nararamdaman ni Elisa noong time na iyon. Para naman piniga ang puso ko. Sa totoo lang kahit kaming dalawa ni Henry ay nalungkot pag-alis naming dito. "Biglaan po kasi ang pag-alis naming at ako din po Manang nagigising tuwing umaga na mag-isa at walang mga kakilala. Mabuti na lang at nagkaroon ako ng mga kaibigan na pinoy din paglipas ng mga araw doon sa Amerika.," tugon ko dito. “Bakit hindi mo ba kasama ang girlfriend mo?" tanong ni Manag sa akin. "Hindi po siya sumama, busy po siya sa modelling career niya sa US. Hindi din po iyon makakatagal sa lugar na ito. Gusto ni Sylvia ay maingay na lugar kabaliktaran ng Santa Fe," sagot ko dito na napa buntong hininga pa ako. “Bakit parang hindi ka masaya? Pasensiya na sa kadaldalan ko, pwede mo namang hindi sagutin,” wika ni Manang sa akin. “Hindi ko po alam Manang kung paano sasagutin po ang tanong po Ninyo. Kung tungkol po sa relasyon po naming ni Sylvia ay masasabi ko pong hindi po talaga masaya. Tingin ko po kahit siya ay ganoon din. Kaya lang may pangangailangan kaming dalawa na naibibigay namin sa isa’t isa pero parang hanggang doon lang po iyon at wala ng iba pa,” tugon ko dito at huminga na naman ng malalim. Hindi ko nga alam kung nasagot ko ba ng tama ang tanong ni Manang sa akin. Hindi ko rin alam kung naiintindihan ba niya ang tinutukoy ko. Sa isipan ko, "Kung sakali na gustuhin ba ni Sylvia ang lugar na ito, gusto mo ba siyang makasama dito?" Hindi! Hindi ko talaga nakikita ang sarili ko na siya ang makakasama ko sa pagtanda. Hindi siya ang babae na nakikita ko na magiging ina ng aking mga magiging anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD