HEINZ'S POV NAKA-USAP KO SI Mommy at sa Saturday na lang daw sila pupunta dito sa Santa Fe. Sabay-sabay na daw silang tatlo nila Henry. Dahil ang pwede ko pa lang gawin ngayon dito ay mag-ikot, matulog at kumain. Napagpasyahan ko na ipa-ayos ang daan patungo sa falls at magpapatayo ako ng maliit na kubo para may lagayan kami ng pagkain at extrang damit at towel. Papalagyan ko na rin ng kama para kung sakaling gusto kong matulog dito pagkatapos maligo sa falls. Kasama ko si Mang Sixto para puntahan naming at alamin ang mga kailangan para sa itatayong kubo malapit sa falls. Siguro mga dalawang linggo ay matatapos itong gawin lalo na at madaming trabahador ang magtutulung-tulong sa paggawa nito. Walang nangangahas na pumunta dito dahil alam sa buong nasasakupan ng aming pamilya na pwede s

