TINULUNGAN KONG BIHISAN SI ELISA dahil ako ang nag-alis ng saplot nito sa kanyang katawan. Nagiging expert ang aking mga kamay. Ang bilis kong nahubaran siya kanina at ganoon din ako sa sarili ko. Hindi ko pa ito natanong kung bakit siya naparito. May damit na kami pero nakahiga pa rin kami dito sa kama. Pinaunan ko pa ito sa aking braso,habang parehas kaming nakatingin sa kisame. “Bakit ka pala napapunta dito?’ malambing kong tanong sa kanya. Nakakahiya pagkatapos ko itong kainin ay ngayon lang ako nagtanong paano kung nagmamadali pala ito. “May ipinadalang kakanin si Mamang para sa iyo. Wala naman ibang mauutusan kaya ako ang pinapunta niya rito.” Sagot naman nito na tiningnan pa ako. Tinitingnan ko siya habang nagsasalita at hindi ko expect na titingnan din ako nito. Mga ganitong t

