DINAANAN AKO NG MAGKAPATID NA GILBERT AT GIRLIE sa aming tahanan para yayain na pumunta ng plaza. Nagulat nga ako dahil may ginagawa ako. Nagpipinta na akong muli para naman may mapag libangan ako. Dito kasi mailalabas ko ang anumang emosyon na nakapaloob sa aking damdamin. Hindi lahat ay alam ang talento kong ito, isa si Henry sa nakaka alam ng sikretong ito pero hindi ko rin sa kanya ipinapakita lahat ng naiguhit ko. Kaysa magmukmok ako dito sa bahay ay naisipan kong muling magpinta kahapon. Patapos nan ga sana kaya lang ay dumating ang magkapatid na Gilbert at Girlie. “Tao po,” tawag ng isang boses babae sa labas ng gate. Naka sarado siguro ang maliit naming gate. Pwede naman buksan ito kaya lang depende sa tao sa labas. Yun bang respeto na kahit kakilala mo sila at isinasa alang ala

