PUMASOK AKO NG MAAGA kahit saglit pa lang ako nakatulog. Dahil first day ko ito kailangan mauna ako kay Señorito Heinz. Hindi pa din ako makapaniwala na nandito na siya sa Santa Fe at bukod doon ay siya pa ang boss ko. Napakabilis ng pag – pintig ng aking dibdib. Anumang oras ay maaari na itong dumating. Alas otso na ay wala pa ito, marahil ay napuyat ito. Lalong gumandang lalaki si Seňorito Heinz, sa tagal ng panahon na hindi ko siya nakita ang laki ng pinagbago nito mula sa looks at sa katawan. Napaka macho nito kahit na natatabingan ang kanyang katawan ng kanyang damit kagabi. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin, tulad pa rin siya ng dati tahimik at suplado. Ay masungit pala. Sana naman ay nagbago na ito lalo na at siya ang boss ko,. Inaayos ko ang aking table ng marinig ko ang

