CONTINUATION " Ano ba namang klaseng kape ito? ang pait. " Tumayo ako at itinapon sa sink ang kape saka nag timpla ng panibago. " Akala ko ba black coffee with less sugar lang ang gusto mong kape? " Tanong nito sa akin nang makaupo akong muli, saka ko pa lamang binaling ang tingin sa kanyang harapan at sumagot. " Ayaw ko na 'non, mas masarap pala ang maraming gatas." Walang emosyon kong sagot sa kanya saka ibinaling ang masaya kong ngiti sa aking anak. Inumpisahan ko siyang pakainin habang nagkakape lamang ako at tinapay. Wala akong balak kumain ng kanin dahil ayaw kong maging bloated ang aking tiyan. " Hindi ka ba kakain ng kanin? " Tanong nito sa akin. Pero gaya kanina parang wala ako nadinig sa halip kinausap ko ang aking anak. " Swimming tayo baby Jimuel, gusto mo ba? " kausap ko

