Rose " How dare you? May mukha ka pang humarap dito? Pinatay mo ang anak ko? Sana ikaw na lang ang namatay at hindi ang anak ko." Ilan lang sa mga salitang natanggap ko kay Tita Emily ang mommy ni Kuya Limuel. Dumating kami kagabi sa burol ni kuya Lim pero hindi kuna ito naabutan at nakita dahil nai-cremate na nila. Ayon sa kagustuhan ni Tita Emily. Ngayon mag iisang oras na ako sa interrogation room dito sa tanggpan ng NBPI para sa ilang katanungan ukol sa nangyari at kung paano ako napadpad sa lugar kung saan natagpuan akong walang malay at muntik ng magahasa ni Vhon. Wala pa isang oras nang kami'y dumating sa burol ay nariyan na ang mga police. Kaya kusang loob ako sumama sa kanila kasama si John na hindi umalis sa aking tabi. " Miss Rivera sigurado po ba kayo na wala kang natatan

